Batwoman

Si Batwoman ay isang kathang-isip na superhero na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics. Si Katherine Rebecca "Kate" Kane ay isang mayamang tagapagmana na naging inspirasyon ang superhero na si Batman at pinili, tulad niya, na ilagay ang kanyang kayamanan at kakayahan tungo sa isang kampanya upang labanan ang krimen bilang ang nakamaskarang bigilante sa kanyang tahanan sa Lungsod ng Gotham.

Ipinakilala ang kasalukuyang bersyon ng Batwoman noong 2006 sa ikapitong linggo ng isang-taon na paglalathala ng lingguhan na komiks na 52. Ipinakilala bilang Kate Kane, nagsimulang kumilos ang makabagong Batwoman sa Lungsod ng Gotham sa pagkawala ni Batman pagkatapos ng mga pangyayari ng crossover na Infinite Crisis (2005) ng lahat ng lathalain ng kompanya. Isinulat ang makabagong Batwoman bilang isang Hudyo at bilang isang lesbiyana. Noong panahon ng New 52, naitatag na si Kate Kane bilang ang pinsan ni Bruce Wayne, ang ibang katauhan ni Batman, at siya ang pamangkin ng ina ni Bruce na si Martha Wayne.[1]

  1. Batwoman #25 (Nobyembre 2013)

Developed by StudentB