Ang Sri Lanka (Singgales: ශ්රී ලංකාව, śrī laṃkāva, Tamil: இலங்கை, ilaṅkai), opisyal na Demokratikong Republikang Sosyalista ng Sri Lanka (Ingles: Democratic Socialist Republic of Sri Lanka, Singgales: ශ්රී ලංකා ප්රජාතාන්ත්රික සමාජවාදී ජනරජය, Tamil: இலங்கை ஜனநாயக சோசலிசக் குடியரசு)) na dating Ceylon bago ang 1972, ay isang tropikal na pulong bansa sa may timog-silangang baybayin ng subkontinenteng Indiyano. Kilala ang pulo noong lumang panahon bilang Sinhale, Lanka, Lankadeepa (Sanskrit para sa "kumikinang na lupain"), Simoundou, Taprobane (mula sa Sanskrit Tāmaraparnī), Serendib (mula sa Sanskrit Sinhala-dweepa), at Selan. Sa panahon ng kolonisasyon, nakilala ang pulo bilang Ceylon (mula sa Selon sa salitang Portuges na Ceilão), isang pangalan na malimit na gamitin. Ang hugis at kalapitan nito sa Indiya ang nagdulot sa pagtukoy ng iba sa pulo bilang Luha ng India.