Ang Aklat ng Pahayag kay Juan o Pahayag kay Juan,[1] na kilala rin bilang Aklat ng Pahayag o Pahayag lamang, ay ang pinakahuling aklat sa Bagong Tipan sa Bibliya ng mga Kristiyano.[2] Nakikilala rin ito bilang Apokalipsis ni Juan o payak na Apokalipsis (Hula) lamang. Ang may akda nitong si Juan ay sumulat mula sa isla ng Patmos na isang isla ng bansang Gresya sa Dagat Aegean. Ang aklat na ito ay pinaniniwalaan na isinulat sa kapanahunan ni Emperador Domitian o sa panahon ni Emperador Nero.[2] Naglalaman ito ng mga simbolismo at mga pahayag o pagsisiwalat na apokaliptiko upang itago ang pag-atake nito sa Imperyo Romano upang makaiwas sa pag-uusig ang may akda nito.
Ito ay maaring isang panitikang naglalaman ng vaticinium ex eventu (hula sa mga pangyayaring naganap na) gaya ng Aklat ni Daniel.