Ang Aklat ni Ezekiel[1], Aklat ni Esekiel[2], o Aklat ni Ezequiel[2] ay isa sa mga aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Isinulat ito ng propetang si Ezekiel[1] kaya't nakapangalan din sa kaniya. Matutunghayan sa aklat na ito ang pinakakapatda-patdang mga kaganapan sa kabuoan ng Bibliya.[3] Ayon sa aklat ni Ezekiel, ang propetang si Ezekiel na ipinatapon sa Babilonya ay nakaranas ng sunod sunod na pitong mga pangitan ng 22 taon mula 593 hanggang 571 BCE. Ang mga pangitain at ang aklat ay nakaistruktura sa mga tatlong tema: paghatol sa Israel(Kapitulo 1-24), paghatol sa mga bansa(Kapitulo 25-32), at mga hinaharap na pagpapala sa Israel(Kapitulo 33-48).[4]
↑"Ezekiel". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN9781597894739. 2006.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)