Anak ng Diyos

Huwag itong ikalito sa Mga Anak ng Diyos at sa Diyos Anak.
Miniature in Les Très Riches Heures du Duc de Berry depicting the Baptism of Jesus, when God the Father proclaimed that Jesus is his Son.

Ang Anak ng Diyos (Ingles: Son of God), na minsan ring tinatawag na "Anak ng Tao"[1], ay isang pariralang matatagpuan sa Bibliyang Hebreo, sa iba pang sari-saring mga tekstong Hudyo, at sa Bibliyang Kristiyano. Sa Tanakh, mga banal na kasulatang Hebreo, na naaayon sa tradisyon ng Hudaismo, maraming mga maaaring maging kahulugan ang Anak ng Diyos, na tumutukoy sa mga anghel, o mga tao, o maging lahat ng sangkatauhan. Batay sa karamihan ng mga denominasyong Kristiyano, tumutukoy din ito sa ugnayan o relasyon sa pagitan ni Hesus (bilang anak) at ng Diyos (bilang ama ng anak na si Hesus), partikular na ang pagiging Diyos Anak ni Hesus.

  1. Abriol, Jose C. (2000). "Anak ng Diyos, Anak ng tao". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa 35, pahina 1576.

Developed by StudentB