Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Ang apokripa (naging kasingkahulugan ng salitang "huwad"[1]) ay mga kasulatan na hindi tiyak ang pinagmulan at kung sino ang sumulat ng mga ito. Sa teolohiyang Hudyo-Kristiyano, tumutukoy ito sa koleksiyon ng mga kasulatang hindi kasama sa Kanon ng Bibliya. Dahil sa may iba't ibang panininiwala sa kung ano ang nararapat na kasama sa isang kanon, maraming bersiyon ng apokripong umiiral sa iba't ibang denominasyon pangpananampalataya. Apokripo ang taguri sa 14 pang mga aklat na bukod sa mga nasa Lumang Tipan at Bagong Tipan ng Bibliya, na tinatawag ding inter-testament sa Ingles (inter-testamento[2], o nasa pagitan ng mga Tipan o Testamento[3]) sapagkat nalalagay ang mga ito sa pagitan o nasa gitna[2] ng Lumang Tipan at ng Bagong Tipan ayon sa pagkakahanay na kronolohikal o pangkapanahunan. Sa mga panapanahon, magkakaiba ang pagtanggap ng mga Kristiyano sa bahaging ito ng Bibliya.[4]
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)