Arkitektura

Ang Parthenon sa tuktok ng Acropolis, Atenas, Gresya bilang isang halimbawa ng arkitektura.

Ang arkitektura ay ang pamamaraan at produkto ng pagpaplano, pagdidisenyo, at pagtatayo ng mga gusali o ng ibang mga pisikal na istraktura. Ang mga gawaing pang-arkitektura, sa pisikal na kaanyuan ng mga gusali, ay madalas mapapansin bilang mga simbolo ng kultura at bilang sining. Ang mga sibilisasyon sa kasaysayan ay madalas nakikilala sa kanilang mga pambihirang arkitektura na nananatili hanggang sa kasalukuyan.[1]

Ang salitang "arkitektura" ay maaaring maging isang terminong pangkalahatan na naglalarawan ng mga gusali at iba pang istrukturang pisikal. Ito ay ang sining at agham ng pagdidisenyo ng mga gusali at (ibang) istrukturang nonbuilding. ito ay ang estilo ng ng pagdidisenyo at paraan ng pagtatayo ng mga gusali at iba pang istrukturang pisikal. Ito ay ang kaalaman ng sining, agham at teknolohiya, at sangkatauhan.

Ang arkitektura ay may kinalaman sa pagplano, pagdisenyo, at pagtayo ng porma, espasyo, at kapaligiran upang maipakita ang pagganan o functional, teknikal, sosyal, pangkapaligiran at astetikong mga konsiderasyon. Kinakailangan ang malikhaing manipulasyon at koordinasyon ng mga materyales at teknolohiya, at ng ilaw at anino. Madalas, kailangang masolusyonan ang hindi pagkakatugma ng mga pamantayan. Sinasaklaw din ng pagsasanay ng arkitektura ang praktikong aspeto ng pagplano ng mga gusali at istruktura, maging ang pag-tatakda, pag-tantya ng gagastusin at ang mga taong kasama sa proyekto.

Ang kasanayan, na siyang nagsimula noong sinaunang panahon, ay ginagamit bilang paraan ng pagpapahayag ng sining ng isang sibilisasyon. Para sa kadahilanang ito, ang arkitektura ay itinuturing rin bilang isang anyo ng sining. Ang mga teksto tungkol sa arkitektura ay isinulat mula noong sinaunang panahon; ang pinakamaagang natitirang teksto tungkol sa mga teorya ng arkitektura ay ang tratadong De architectura ng arkitektong Romano na si Vitruvio na isinulat noong ika-1 siglo AD. Ayon kay Vitruvio, ang isang magandang gusali ay nagtataglay ng firmitas, utilitas, at venustas (katibayan, kagamitan, at kagandahan).[2] Pagkalipas ng ilang dantaon, mas binuo ni Leon Battista Alberti ang kanyang mga ideya, na nakikita ang kagandahan bilang isang obhetibong kalidad ng mga gusali na matatagpuan sa kanilang mga proporsyon. Sinulat ni Giorgio Vasari ang Lives of the Most Excellent Painters, Sculptors, and Architects at iniharap ang ideya ng istilo sa Kanluraning sining noong ika-16 na siglo. Sa ika-19 na siglo, Ipinahayag ni Louis Sullivan na "ang anyo ay sumusunod sa function". Sinimulang palitan ng "function" ang klasikal na "kagamitan" o "utility" at naunawaan na hindi lamang kasama ang praktikal kundi pati na rin ang aesthetic, sikolohikal at kultural na mga dimensyon. Ang ideya ng sustainable architecture ay ipinakilala noong huling bahagi ng ika-20 siglo.

  1. "Architecture". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). 3 Disyembre 2022. Nakuha noong 6 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. The Oxford handbook of Greek and Roman art and architecture (sa wikang Ingles). Marconi, Clemente, 1966–. New York. 2015. ISBN 978-0-19-978330-4. OCLC 881386276.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link) CS1 maint: others (link)

Developed by StudentB