Artiko

Isang politikong mapa ng artiko

Ang Artiko o Arktiko[1] ang kasalungat ng Antartiko. Ito ay matatagpuan sa pinakatuktuk ng mundo. Ang terminong ito ay nagmula sa salitang Griyego na "arktos" kung saan tumutukoy ito sa hilagang konstelasyon ng oso.[2] Binubuo ang Arktiko ng Karagatang Arktiko, mga katabing dagat at mga bahagi ng Canada (Yukon, Mga teritoryong Hilagang-Kanluran, Nunavut), ang Lupaing Danes (Greenland), hilagang Pinlandya (Lapland), Iceland, hilagang Norway (Finnmark at Svalbard), Rusya (Murmansk, Siberia, Nenets Okrug, Novaya Zemlya), pinakahilagang Suwesya at Estados Unidos (Alaska). Ang lupain sa loob ng rehiyon ng Arktiko ay may pana-panahong iba't ibang takip ng niyebe at yelo, na may halos walang punong permafrost (permanenteng nagyelo sa ilalim ng lupa) na naglalaman ng tundra. Ang mga dagat ng Arktiko ay naglalaman ng pana-panahong yelo sa dagat sa maraming lugar.

Kakaibang lugar ang rehiyong Artiko sa mga ekosistema ng Daigdig. May adapsyon sa mga lamig nito at mga matinding kondisyon ang mga katutubo sa Artiko at kalinangan sa rehiyon. Kabilang sa buhay sa Artiko ang sooplankton at pitoplankton, isda at mga mamalyang pandagat, ibon, mga hayop na panlupa, mga halaman at mga lipunan ng tao.[3] Napapaligiran ang lupaing Artiko ng subartiko.

  1. English, Leo James (1977). "Artiko, Arktiko". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Arctic | Definition, Climate, People, & Facts | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Krembs, Christopher and Jody Deming. "Organisms that thrive in Arctic sea ice." Naka-arkibo 2010-03-23 sa Wayback Machine. National Oceanic and Atmospheric Administration. 18 Nobyembre 2006. (sa Ingles)

Developed by StudentB