Sampamahalaan ng Australya Commonwealth of Australia (Ingles)
| |
---|---|
Awiting Pambansa: Advance Australia Fair "Sumulong Australyang Patas" Awiting Makahari: God Save the King "Diyos, Iligtas ang Hari" | |
Kabisera | Canberra 35°18′29″S 149°07′28″E / 35.30806°S 149.12444°E |
Pinakamalaking lungsod | Sidney |
Wikang pambansa | Ingles |
Katawagan | Australyano Aussie (kolokyal) |
Pamahalaan | Parlamentaryong monarkiyang pederal at konstitusyonal |
• Monarko | Carlos III |
Sam Mostyn | |
Anthony Albanese | |
Lehislatura | Parlamento |
• Mataas na Kapulungan | Senado |
• Mababang Kapulungan | Kapulungan ng mga Kinatawan |
Kasarinlan mula sa Reyno Unido | |
• Federation and Constitution | 1 January 1901 |
9 October 1942 (with effect from 3 September 1939) | |
3 March 1986 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 7,692,024 km2 (2,969,907 mi kuw) (6th) |
• Katubigan (%) | 1.79 (2015)[1] |
Populasyon | |
• Senso ng 2021 | 25,890,773 |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $1.718 trillion (20th) |
• Bawat kapita | $65,366[kailangan ng sanggunian] (22nd) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $1.708 trillion (13th) |
• Bawat kapita | $64,964[kailangan ng sanggunian] (10th) |
Gini (2018) | 32.5[2] katamtaman |
TKP (2021) | 0.951[3] napakataas · 5th |
Salapi | Dolyar ng Australya ($) (AUD) |
Sona ng oras | UTC+8; +9.5; +10 (Various) |
• Tag-init (DST) | UTC+8; +9.5; +10; +10.5; +11 (Various) |
Ayos ng petsa | dd/mm/yyyy[4] |
Gilid ng pagmamaneho | kaliwa |
Kodigong pantelepono | +61 |
Internet TLD | .au |
Ang Australya (Ingles: Australia), opisyal na Sampamahalaan ng Australya, ay bansang binubuo ng Sahul, kapuluang Tasmanya, at iilang maliliit na isla. Sumasaklaw ng lawak na 7,741,220 km2, ito ang pinakamalaking bansa sa Oseanya. ang populasyon nito sa halos 50 milyon, kung saan lubos na urbanisado at nakakonsentra ito sa silangang babayin. Hinahangganan ang bansa ng Katimugang Karagatan sa timog, Karagatang Indiko sa hilaga't kanluran, at Karagatang Pasipiko sa silangan. Bilang karagdagan, nakikibahagi ito ng limitasyong maritimo sa Silangang Timor, Indonesya, at Papua Nueva Guinea sa timog, at Bagong Silandiya, sa New Zealand, Kapuluang Solomon, at Bagong Caledonia sa silangan. Ang kabisera nito ay Canberra, habang ang pinakamataong lungsod at sentrong pinansiyal nito'y Sidney.
Sa loob ng di-bababa sa 40,000 taon bago ang unang pananahan ng mga Ingles sa huling bahagi ng ika-18 siglo, ang Australia ay pinaninirahan ng mga katutubong Awstralyano, na nagsasalita ng mga wikang nakapangkat sa humigit-kumulang 250 grupo ng mga lengguwahe. Matapos matuklasan ng mga Europeo ang kontinente sa pamamagitan ng mga manlalayag na Olandes noong 1606, ang silangang bahagi ng Australia ay inangkin ng Gran Britanya noong 1770 at nang simula'y naging tapunan ng mga bilanggo sa kolonya ng New South Wales mula 26 Enero 1788. Lumaki ang populasyon nang sumunod na mga dekada; ang kontinente ay ginalugad at naitatag ang karagdagang limang nagsasariling Crown Colonies.
Noong 1 Enero 1901, naging isang pederasyon ang anim na kolonya, na ngayo'y tinatawag na Komonwelt ng Australya. Mula noong Pederasyon, napanatili ng Australya ang isang matatag na sistemang pulitikal na demokratikong liberal, na kumikilos bilang isang demokrasyang parlamentaryong pederal at monarkiyang konstitusyonal, na binubuo ng anim na estado at ilang mga teritoryo. Ang populasyon na 23.6 na milyon ay higit na urbanisado at nakatuon sa mga silangang estado at sa baybayin.
Ang Australia ay isang maunlad na bansa at isa sa mga pinakamayaman sa mundo, dahil sa ekonomiya nitong ika-12 sa pinakamalaki. Noong 2012 ang Australia ang may ikalimang pinakamataas na kita bawat tao sa buong mundo, at ang gastos-militar ng Australia ang ika-13 pinamakamalaki sa mundo. Dahil taglay nito ang ikalawang pinakamataas na pandaigdigang indise ng kaunlaran ng tao (human development index), mataas ang nagiging ranggo ng Australia sa mga pandaigdigang paghahambing ng pambansang paggawa (national performance), katulad ng kalidad ng buhay, kalusugan, edukasyon, kalayaang pang-ekonomiya, at proteksiyon ng mga kalayaang sibil at mga karapatang pulitikal. Ang Australia ay kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa, G20, Komonwelt ng mga Bansa, ANZUS, Organisasyon para sa Pagtutulungang Ekonomiko at Pag-unlad (Organisation for Economic Co-operation and Development o OECD), Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan (World Trade Organization o WTO), Kooperasyong Ekonomiko sa Asya-Pasipiko (Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC), at ng Pacific Islands Forum.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: |archive-date=
/ |archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)