Bahura

Isang bahura sa Kapuluang Yasawa ng Pidyi, na nagdurugtong sa mga pulo ng Waya at Wayasewa.
Tungkol ito sa pilapil ng buhangin, para sa kumpol ng bulaklak, pumunta sa bungkos ng mga bulaklak.

Ang banlik o bahura (Ingles: shoal, sandbar, o bar na nakabatay sa konteksto; sandspit [literal na "dura" o "lura" ng buhangin], spit, sandbank [literal na "pilapil ng buhangin") ay isang pilapil ng buhangin na may pagka guhit na anyo ng lupa sa loob o dumurugtong patungo sa loob ng isang katawan ng tubig, na karaniwang binubuo ng mga buhangin o maliliit na mga bato. Malimit itong isang mahaba at makitid na guhit at umuunlad o lumilitaw kung saan nagpapahintulot ang daloy ng dagat o batis (agos, daloy, o "banlik" din ang tawag) ng pagkaipon ng mga butil o grano, na kinalalabasan o nagreresulta sa pampook na pagbabaw ng tubig. Maaaring lumitaw ang mga banlik sa dagat, lawa, o ilog. Sa kabilang banda, maaari itong isang nakahiwalay na lawa mula sa isang dagat, katulad sa kaso ng ayre. Karaniwan silang binubuo ng mga buhangin, bagaman maaaring mga grano na kinauugnayan ng gumagalaw na tubig at may kakayahang lumipat ng lugar. Tinatawag din itong buhanginan, lugar na mababaw ang tubig, hapila, rompeyolas, kumpol ng buhangin, kawan ng buhangin (subalit maaari ring tumukoy ang kawan sa pangkat ng mga isda), pulutong ng buhangin, grupo ng buhangin, o kulumpon ng buhangin.[1]

Maaaring gamitin ang salita upang tukuyin ang mga katangian ng anyong lupang sumasakop sa malawak na saklaw batay sa sukat, mula sa habang may ilang mga metro sa loob ng isang maliit na batis o ragasa pati na ang mga pagkaipon sa dagat o marina, na umaabot ng may dadaaning mga kilometro sa kahabaan ng guhit o linya ng dalampasigan o baybayin, na karaniwang tinatawag na mga pulong harang o kapuluang harang.

  1. Gaboy, Luciano L. Shoal, sandbar - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Developed by StudentB