Bernardo Carpio

Ang artikulong ito ay tumutukoy sa maalamat na bayaning Pilipino na si Bernardo Carpio. Para sa alamat mula sa Europa na pinagmulan ng kaniyang pangalan, tingnan ang Bernardo del Carpio.
Bernardo Carpio
PamagatBernardo Carpio
PaglalarawanBayani sa kuwentong-bayan ng Pilipinas
KasarianLalaki
RehiyonPilipinas
KatumbasBernardo del Carpio

Si Bernardo Carpio ay isang maalamat na tauhan sa mitolohiyang Pilipino na sinasabing sanhi ng mga lindol. Maraming mga bersiyon ng kuwento hinggil sa kaniya. Ang ilang mga bersiyon ay naglalahad na si Bernardo Carpio ay isang higante, na sinusuportahan ng malalaking mga bakas ng paa na ipinapalagay na naiwan niya sa bulubundukin ng Montalban, Pilipinas. Ang ibang mga bersiyon ay nagsasalaysay na kasukat siya ng isang karaniwang tao. Subalit, ang lahat ng mga bersiyon ng kuwento ay sumasang-ayon na mayroon siyang lakas na kahalintulad ng sa kay Herkules.


Developed by StudentB