Biyernes

Ang Biyernes (ponemikong baybay: Byernes) ay ang araw ng linggo sa pagitan ng Huwebes at Sabado.

Biyernes ang araw ng linggo na nasa pagitan ng Huwebes at Sabado. Sa mga bansang sumusunod sa tradisyunal na "Unang-Araw ng Linggo," ito ang ikaanim na araw ng linggo. Sa mga bansang sumusunod sa ISO-defined na "Unang-Araw ng Lunes," ito ang ikalimang araw ng linggo.

Sa karamihan ng Kanluraning mga bansa, Biyernes ang ika-limang at huling araw ng linggo ng pagtatrabaho. Sa ibang mga bansa, Biyernes ang unang araw ng weekend, kasunod ang Sabado. Sa Israel, Biyernes ang ikaanim na araw ng linggo. Sa Iran, Biyernes ang huling araw ng weekend, at ang Sabado ang unang araw ng linggo ng pagtatrabaho. Sumunod sa konvensyong ito ang Bahrain, United Arab Emirates (UAE), Saudi Arabia at Kuwait hanggang sa nagdesisyon silang magbago tungo sa Biyernes-Sabado weekend noong Setyembre 1, 2006 sa Bahrain at UAE,[1] at isang taon matapos ito sa Kuwait.[2] Noong Enero 1, 2022, nagdesisyon ang UAE na magbago mula sa Biyernes-Sabado weekend tungo sa Sabado-Linggo.[3]


Developed by StudentB