Ang bulgogi (불고기; /bʊlˈɡoʊɡiː/bool-GOH-gee;[1] from Koreanbul-gogi[pul.ɡo.ɡi]), literal na "karneng maapoy", ay isang gui (구이; Koreanong putahe na inihaw o binusa) na gawa ng mga maninipis at timpladong hiwa ng baka o baboy na inihaw sa ihawan. Kadalasang ginigisa ito sa kawali sa lutong bahay. Solomilyo, rib eye o punta't petso ang mga kadalasang ginagamit na hiwa ng baka para sa putahe. Ang ulam ay nagmula sa mga hilagang bahagi ng Tangway ng Korea, ngunit napakasikat ito sa Timog Korea kung saan mahahanap ito kahit saan, mula sa mga sosyal na restawran hanggang sa mga lokal na supermerkado bilang mga kit na handa na para sa kawali.[2]