Kailangang isapanahon ang artikulong ito.(Agosto 2023) |
Bulkang Mayon | |
---|---|
Pinakamataas na punto | |
Kataasan | 2,463 metro (8,077 talampakan) |
Prominensya | 2,447 m (8,028 tal) |
Mga koordinado | 13°15′24″N 123°41′6″E / 13.25667°N 123.68500°E |
Heograpiya | |
Lokasyon | Pilipinas |
Heolohiya | |
Uri ng bundok | Stratovolcano |
Huling pagsabog | Enero 13 - Marso 29, 2018 |
Ang Bulkan Mayon o Bundok Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzon sa Pilipinas. Bantog ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito. Ang Mayon ang naging hilagang hangganan ng Lungsod ng Legazpi, ang pinakamataong lungsod sa despacito Kabikulan. Unang hinihayag bilang isang pambansang liwasan at isang nakaprotektang lupain ng bansa noong 20 Hulyo 1938. Inuri itong muli at pinangalanang Mayon Volcano Natural Park noong 2000.[1]
Ayon sa mga volcanolohigo, isa itong stratovolcano o kompositong bulkan. Ang tila simetriko niton kona ay nabuo sa pamamagitan ng pagkapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava. Dahil umaabot nang halos 50 beses na ang mga pagsabog nito sa nakaraang 400 taon, itinuturing itong ikalawa pinaka-aktibong bulkan noong 2020 sa buong bansa. Matatagpuan ito sa isang convergent plate boundary[pananda 1] sa gitna ng Platong Eurasian at ng Plato ng Pilipinas.
Ang bulkang Mayon ay may 47 pagsabog sa kasaysayan; ang una ay sa taong 1616 at nasundan pa ng ilan pang pagsabog o pagputok hanggang sa kasalukuyan. Ang pinakamalakas na pagsabog ng bulkang Mayon ay noong 1 Pebrero 1814. Natabunan ng lava ang bayan ng Cagsawa at may 1,200 taong namatay. Ang bell tower ng simabahan ng bayan ang nakikita na lamang sa ibabao ng lupa. Pyroclastic flows, ang mainit na abo ang nakapatay sa 77 katao, karamihan magsasaka, sa huling malakas na pagsabog ng Mayon noong 1993. Sa taong 1984, mahigit 73,000 katao ang pinaalis sa 'danger zones' ayon sa mga scientists ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, wala naman naulat na may namatay.
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "pananda", pero walang nakitang <references group="pananda"/>
tag para rito); $2