Deuterokanoniko

Lumang Tipan ng Bibliya

Huwag itong ikalito sa Deuteronomio.

Ang Deuterokanoniko[1] o Deuterokanonika[1] ay mga aklat na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Ginagamit na ang katawagang deuterokanonikong mga aklat ng Simbahang Romano Katoliko at Silanganing Kristiyanismo mula pa noong ika-16 daantaon para ilarawan ang mga partikular na aklat at mga pananalita sa Kristiyanong Lumang Tipan na hindi bahagi ng Bibliyang Hebreo. Dating naging bahagi ang paghihiwalay na ito ng usapin at pagtatalo sa loob ng maagang simbahan hinggil sa kung dapat bang basahin ang mga ito sa mga simbahan at sa gayon maituturing bilang mga tekstong kanoniko.

Nagbuhat ang salitang deuterokanoniko mula sa Griyego na nangangahulugang "kabilang sa pangalawang kanon." Nakalilito ang etimolohiya o pinagmulan ng salita, ngunit nagpapahiwatig ng pagaalinlangan ng ilang dalubhasa na tanggapin ang mga ito para maging bahagi ng kanon. Sa mahigpit na kahulugan, hindi nangangahulugang "hindi-kanoniko" ang salita; kaya't ang maraming mga taong hindi tumatanggap sa mga ito bilang bahagi ng kanon ng Kasulatan ang sinadyang tawagin itong apokripong makabibliya (o apokripang biblikal), na humantong sa pagaalis ng mga ito mula sa kahanayan ng mga aklat ng Bibliya o kaya'y pagdaragdag sa Bibliya subalit nasa ilalim ng seksyon na pinamagatang Apokripo o Apokripa.

  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Deuterokanoniko, deuterokanonika, pahina 1326 at 1345". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Developed by StudentB