Ekonomika

Ang ekonomika o ekonomiks (Ingles: economics) bilang isang agham panlipunan, ay ang pag-aaral sa paglikha, pamamahagi, at pagkonsumo ng kalakal.[1]

Ang salitang "ekonomika" ay nagmula sa Sinaunang Griyegong οἰκονομία (oikonomia, "pangangasiwa ng isang sambahayan, administrasyon") mula sa οἶκος (oikos, "bahay") + νόμος (nomos, "kustombre" o "batas") at kaya ay "mga batas ng sam (bahay)an".[2] Ang larangang ito ay mahahati sa iba't ibang paraan. Ang pokus ng paksang ito ay kung paanong ang mga ahenteng ekonomiko ay umaasal o nakikipag-ugnayan at kung paanong ang mga ekonomiya ay gumagana. Sa pag-ayon dito, ang isang pangunahing pagtatangi sa mga aklatan ay sa pagitan ng mikroekonomika at makroekonomika. Ang mikroekonomika ay sumusuri sa pag-aasal ng mga pangunahing elemento sa ekonomiya kabilang ang mga indibidwal na ahente (gaya ng mga sambahayan at negosyo o bilang mga mamimili o tagatinda) at mga pamilihan (markets) at mga interaksiyon nito. Ang makroekonomika ay sumusuri sa kabuuang ekeonomiya at sa mga isyu na umaapekto rito kabilang ang kawalang trabaho, inplasyon, paglagong ekonomiko, at patakarang piskal at pananalapi. Nagsisimula ang ekonomiya sa premisa (premise) o proposisyon na kakaunti ang kayamanan at kinakailangang mamili sa pagitan ng mga napapaligsahang alternatibo. Sa ibang salita, binibigyan ng pansin ng ekonomika ang mga tradeoff. Sa kakulangan, kung pipili sa isang alternatibo, nangangahulugang sinusuko ang isang pang alternatibo—ang halaga ng pagkakataon (opportunity cost). Nililikha ng halaga ng pagkakataon ang isang tahasang ugnayan ng halaga sa pagitan ng nagpapaligsahang alternatibo. Sa karagdagan, sa parehong nakasalig sa merkado (market oriented) at nakaplanong ekonomika, kadalasang di na tahasang ipinapaliwanag ang dami ng kakulangan sa pamamagitan ng kaugnay na halaga.[3]

Ang iba pang mga malawak na distinksiyon sa ekonomika ay kinabibilangan ng sa pagitan ng positibong ekonomika at normatibong ekonomika, sa pagitan ng teoriyang ekonomika at nilalapat na ekonomika, sa pagitan ng teoriyang makatwirang pagpili at ekonomikang pag-aasal, at sa pagitan ng nananaig na ekonomika (mas ortodokso at nakikitungo sa "rasyonalidad-indibidwalismo-ekwilibrium nexus") at ekonomikang heterodokso (mas radikal at nakikitungo sa "mga institusyon-kasaysaysan-panlipunan na istrakturang nexus").[4][5]

Ang analis na ekonomiko ay maaaring ilapat sa buong lipunan gaya ng sa negosyong ekonomika, pinansiyang ekonomika, kalusugang ekonomika at pamahalaan gayundin din sa krimen,[6] edukasyon[7], pamilya, batas, politika, relihiyon,[8] mga institusyong panlipunan, digmaan,[9] at agham.[10] Sa pagliko ng ika-21 siglo, ang lumalawig na sakop ng ekonomika sa mga agham panlipunan ay inilarawan bilang imperialismong ekonomiko.[11]

  1. Economics from the English-language Wikipedia. Retrieved Nobyembre 9, 2006.
  2. Harper, Douglas (2001). "Online Etymology Dictionary – Economy". Nakuha noong 27 Oktubre 2007. {{cite web}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Economics from the English-language Wikipedia. Retrieved Nobyembre 14, 2004.
  4. Andrew Caplin and Andrew Schotter, The Foundations of Positive and Normative Economics, Oxford University Press, 2008, ISBN 0195328310
  5. Davis, John B. (2006). "Heterodox Economics, the Fragmentation of the Mainstream, and Embedded Individual Analysis", in Future Directions in Heterodox Economics. Ann Arbor: University of Michigan Press.
  6. Friedman, David D. (2002). "Crime," The Concise Encyclopedia of Economics.'.' Retrieved 21 Oktubre 2007.
  7. The World Bank (2007). "Economics of Education.". Retrieved 21 Oktubre 2007.
  8. Iannaccone, Laurence R. (1998). "Introduction to the Economics of Religion", Journal of Economic Literature, 36(3), pp. 1465–1495..
  9. Nordhaus, William D. (2002). "The Economic Consequences of a War with Iraq", in War with Iraq: Costs, Consequences, and Alternatives, pp. 51–85. Naka-arkibo 2007-02-02 sa Wayback Machine. American Academy of Arts and Sciences. Cambridge, Massachusetts. Retrieved 21 Oktubre 2007.
  10. Arthur M. Diamond, Jr. (2008). "science, economics of", The New Palgrave Dictionary of Economics, 2nd Edition, Basingstoke and New York: Palgrave Macmillan. Pre-publication cached ccpy.
  11. Lazear, Edward P. (2000). "Economic Imperialism", Quarterly Journal Economics, 115(1)|, p p. 99–146. Cached copy. Pre-publication copy (larger print.)
       • Becker, Gary S. (1976). The Economic Approach to Human Behavior. Links to arrow-page viewable chapter. University of Chicago Press.

Developed by StudentB