Ang extractive metallurgy ay isa sa tatlong pangunahing sanga ng metalurhiya. Ang mga paksa na maaaral sa extractive metallurgy ay napakalawak at kahit ang isang napakahusay ng metallurgist ay hindi maaring maging sobrang galing sa lahat ng mga paksang ito. Ang mga paksa sa extractive metallurgy ay, mineral processing, hydrometallurgy, pyrometallurgy at electrometallurgy. Ang pagkakasunod-sunod ng mga ito ay tulad din ng pagkakasunos sunod sa pag extract ng bakal mula sa bato. Sa mineral processing ang pinakapakay ng buong proseso ay ma-liberate ang gustong mineral at maihiwalay ito sa iba pang mineral. Ito ay ginagawa sa paraan ng pagdurog ng pinong pino. Kalamitan ang pagdurog ay ginagawa hanggang umabot ng 50 microns. Sa pagdurog naman ng bato ay may dalawa pa uling sanga. Ang crushing at grinding. Ang crushing ay pagdurog ng bato sa paraan ng ipit ng bato at sa grinding naman ay ang pagdurog ng bato sa paraan ng pag-gasgas. Matapos maliberate ang mineral na gustong maliberate, ay ihihiwalay mo na to sa ibang mineral. Maraming paraan ang maaring gawin para mangyari to. Puwedeng gumamit ng kuryente, magnet, gravity separation o ang pinakasikat na flotation. Ang flotation ay isang paraan kung saan ang mineral ay ginagawang hydrophobic o matatakutin sa tubig. Pag ang mineral ay takot na sa tubig, mag susupply tayo ng mga bubbles sa isang vessel kung nasaan nakatimpla ang mineral sa isang tubig. Dahil takot siya sa tubig, siya ay kakapit sa bubble at siya ay aandar pataas ng iyong vessel. Pag tumaas na sa vessel ay naihiwalay mo na siya sa iba pang mineral sapagkat siya lang ang ginawa mong matatakutin sa tubig. Matapos ang proseso ng flotation, ang produkto ay papatuyuin at idedeliver na sa mga kompanya na gusto bumili nito. Gusto ko lang idiin na ang produkto dito ay hindi pa maaring gamitin sa pangaraw araw. Ang hydrometallrgy, pyrometallurgy at electrometallurgy naman ay iba pang sanga ng extractive metallurgy at tatalakayin natin sa ibang pahina.