Ang ginto ay isang kemikal na elementong may simbolongAu at bilang na atomiko na 79. Sa pinakapuro nitong anyo ito ay makinang, bahagyang mamula-mulang dilaw, siksik, malambot, nagbabago ng anyo at hugis, at ductile na metal. Ayon sa kemika, ang ginto ay isang transition metal at kabilang sa ikalawang grupo ng mga elemento. Ito ay isa sa mga hindi pinaka-aktibong elementong kemikal at solid sa ilalim ng standard na kondisyon. Ang bakal na ito ay madalas na nabubuo bilang isang free elemental form, bilang tipak o mga butil, sa mga bato, sa mga ugat at minsan sa mga naaanod na mga deposito. Ito ay nangyayari sa isang solid seriessolution kasama ang mga native elementpilak at pati rin ang mga natural na alloyed na may kasamang tanso at palladium. Di kadalasan, ito ay nangyayari sa mga mineral bilang gold compounds, kung saan madalas ay may teluryo.
Ang bilang na atomiko ng ginto na 79 ay ang naging daan upang ang ginto ay maging isa sa mga elementong natural na nabubuo sa kalawakan. Ito ay napag alamang nabuo sa supernova nucleosynthesis at nakikita sa alikabok na nilikha ng sistemang solar. Dahil ang mundo ay malambot pa noong ito ay nabuo, halos lahat ng mga gintong naroroon sa mga unang bahagi ng mundo ay maaring lumubog sa kaibuturang planeta. Samakatuwid, ang karamihan ng mga ginto na naroroon ngayon sa crust at mantle ng mundo ay maaaring mapunta sa ibabaw ng mundo sa pamamagitan ng mga asteroid impacts noong mahigit apat na bilyong taon na ang nakalipas.
Pinipigilan ng ginto ang pag-atake ng isahang asido ngunit maaari itong matunaw ng aqua regia. Ang pinaghalong mga asido ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng natutunaw na gold tetrachloride anion. Ang ginto ay natutunaw din sa alkaline solutions ng cyanides, na kung saan ito ay nagagamit sa pagmimina at electroplating. Ito rin ay natutunaw sa asoge, kung saan ito ay bumubuo ng amalgam alloys: ito ay hindi natutunaw sa nitric acid, kung saan natutunaw ang pilak at mga base metals, isang katangian na matagal nang ginagamit upang alamin ang pagkakaroon ng ginto sa mga bagay, pagbibigay buhay sa terminong acid test.
↑ 3.03.13.2Arblaster, John W. (2018). Selected Values of the Crystallographic Properties of Elements. Materials Park, Ohio: ASM International. ISBN978-1-62708-155-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Mézaille, Nicolas; Avarvari, Narcis; Maigrot, Nicole; Ricard, Louis; Mathey, François; Le Floch, Pascal; Cataldo, Laurent; Berclaz, Théo; Geoffroy, Michel (1999). "Gold(I) and Gold(0) Complexes of Phosphinine‐Based Macrocycles". Angewandte Chemie International Edition (sa wikang Ingles). 38 (21): 3194–3197. doi:10.1002/(SICI)1521-3773(19991102)38:21<3194::AID-ANIE3194>3.0.CO;2-O. PMID10556900.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Weast, Robert (1984). CRC, Handbook of Chemistry and Physics. Boca Raton, Florida: Chemical Rubber Company Publishing. pp. E110. ISBN0-8493-0464-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)