Green Lantern

Green Lantern
NaglimbagDC Comics
Unang paglabasAll-American Comics #16 (Hulyo 1940)
Nilikha niAlan Scott:
Martin Nodell

Hal Jordan:
John Broome
Gil Kane
Mga karakterAlan Scott
Hal Jordan
Guy Gardner
John Stewart
Kyle Rayner
Jade
Sinestro
Simon Baz
Jessica Cruz
Kai Ro
Tingnan dinGreen Lantern Corps

Ang Green Lantern ay ang pangalan ng ilang mga superhero na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics. Nilalabanan nila ang kasamaan sa tulong ng kanilang singsing na nagbibigay sa kanila ng iba't ibang ekstraordinaryong kapangyarihan, na nagmumula sa kanilang imahinasyon. Tipikal na isinasalarawan ang mga karakter bilang mga kasapi ng Green Lantern Corps, isang ahensyang interstelar na nagpapatupad ng batas.

Nilikha ang unang karakter na Green Lantern, si Alan Scott, noong 1940 ni Martin Nodell noong Ginintuang Panahon ng Komiks at kadalasang nakikipaglaban sa mga karaniwang kriminal sa Lungsod ng Capitol (at kalaunan, sa Lungsod ng Gotham) sa tulong ng kanyang singsing may salamangka. Para sa Pinilakang Panahon ng Komiks, muling nilikha ang karakter nina John Broome at Gil Kane bilang si Hal Jordan noong 1959 at napalitan ang tuon ng mga kuwento sa pantasya at kathang-isip na pang-agham. Kabilang pa sa ibang Green Lantern sina Guy Gardner, John Stewart, at Kyle Rayner.

Isa ang mga Green Lantern sa mga karakter ng DC Comics na tumagal. Nagkaroon sila ng adaptasyon sa telebisyon, larong bidyo, at pelikula.


Developed by StudentB