Teritoryo ng Guam Guåhån | |
---|---|
Salawikain: Where America's Day Begins (Ingles: Kung Saan Nagsisimula ang Araw ng Amerika) | |
Awiting Pambansa: Fanohge Chamorro | |
Kabisera | Hagåtña |
Pinakamalaking lungsod | Dededo |
Wikang opisyal | Ingles, Tsamoro |
Pamahalaan | Teritoryo ng Estados Unidos |
• Pangulo | Joe Biden |
Kasarinlan wala (teritoryo ng Estados Unidos) | |
Lawak | |
• Kabuuan | 543.52 km2 (209.85 mi kuw) (Ika-192) |
• Katubigan (%) | neglihible |
Populasyon | |
• Pagtataya sa Hulyo 2006 | 170,000 (Ika-186) |
• Densidad | 307/km2 (795.1/mi kuw) (Ika-37) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2000 |
• Kabuuan | $3.2 bilyon (Ika-167) |
• Bawat kapita | $21,000 (taya noong 2000) (Ika-35) |
Salapi | Dolyar ng Estados Unidos (USD) |
Sona ng oras | UTC+10 |
• Tag-init (DST) | (walang DST) |
Kodigong pantelepono | 1-671 |
Kodigo sa ISO 3166 | GU |
Internet TLD | .gu |
Ang Guam (Tsamoro: Guåhån), o ang Teritoryong Amerikano ng Guam (Ingles: U.S. Territory of Guam), ay isang pulo sa kanlurang Karagatang Pasipiko at isang organisadong hindi-inkorporadong teritoryo ng Estados Unidos. Ang mga naninirahang tao doon ay ang mga Chamorro, na unang nanirahan sa pulo may 6,000 taon na ang nakakaraan. Ang mga eksperto ay nagteteoriya na ang mga unang tao ay nagibang-bayan mula sa paroroonang nagsasangkot sa mga maagang daang pang-kalakalan, pero, ang iba ay nag-iisip na ang mga tao ay baka mula sa timog-silangang Asya, kasama ang Indonesia, Malaysia at Pilipinas. Marami sa mga maagang Chamorro ay kaparis ang itsura ng mga tao mula sa paroroonang iyon, pero sa kasalukuyan, ang mamamayan ng Guam ay nagiging mas magkakahalo sa lahi.
Ito ang pinakamalaki at pinakatimog na pulo sa Marianas. Hagåtña, ang kabisera nito na dating Agaña. Turismo ang pangunahing sumusuporta sa ekonomiya ng Guam. Karamihan sa mga turista ay galing sa Hapon, Timog Korea, Republikang Popular ng Tsina at mga base ng hukbong sandatahan ng Estados Unidos. Ang Komite ng Nagkakaisang Bansa sa Dekolonisasyon ay sinama ang Guam sa tala ng mga bansang hindi-sariling-nagmamahalaan ng Nagkakaisang Bansa.