Republika ng Haiti | |
---|---|
Salawikain: L'union fait la force "Gumagawa ang unyon ng lakas" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Port-au-Prince 18°32′N 72°20′W / 18.533°N 72.333°W |
Wikang opisyal | |
Katawagan | Haitiano |
Pamahalaan | Unitaryong republikang semi-presidensyal |
Ariel Henry (acting) | |
Ariel Henry (acting) | |
Lehislatura | National Assembly[a] |
• Mataas na Kapulungan | Senate[a] |
• Mababang Kapulungan | Chamber of Deputies[a] |
Kasarinlan mula sa Pransiya | |
• Declared | 1 January 1804 |
• Recognized | 17 April 1825 |
22 September 1804 | |
9 March 1806 | |
17 October 1806 | |
• Kingdom | 28 March 1811 |
9 February 1822 | |
• Dissolution | 27 February 1844 |
26 August 1849 | |
• Republic | 15 January 1859 |
28 July 1915 – 1 August 1934 | |
29 March 1987 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 27,750[1] km2 (10,710 mi kuw) (143rd) |
• Katubigan (%) | 0.7 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2023 | 11,470,261[2] (83rd) |
• Densidad | 382/km2 (989.4/mi kuw) (32nd) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $38.952 billion[3] (144th) |
• Bawat kapita | $3,185[3] (174th) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $25.986 billion[3] (139th) |
• Bawat kapita | $2,125[3] (172nd) |
Gini (2012) | 41.1[4] katamtaman |
TKP (2021) | 0.535[5] mababa · 163rd |
Salapi | Gourde (G) (HTG) |
Sona ng oras | UTC−5 (EST) |
• Tag-init (DST) | UTC−4 (EDT) |
Gilid ng pagmamaneho | right |
Kodigong pantelepono | +509 |
Kodigo sa ISO 3166 | HT |
Internet TLD | .ht |
Ang Republika ng Haiti (bigkas: /hey·tí/; Pranses: République d'Haïti, bigkas /ha·í·ti/; Haitiyanong Kriolyo: Repiblik Ayiti; lumang ortograpiyang Tagalog: Hayti[6]) ay isang bansang matatagpuan sa Dagat Caribbean. Kahati nito ang Republikang Dominikana, sa nasasakupan nito sa pulo ng Hispaniola. Ayiti (lupain ng mataas na mga kabundukan) ang katutubong itinawag ng mga Taino o ng mga Amerindian para sa mabundok na kanlurang bahagi ng pulo. Pinakamataas na bahagi ng pulo ang Pic la Selle, na may taas na 2,680 metro (8,793 tal). Ang kabuuang sukat ng Haiti ay 27,750 kilometro parisukat (10,714 kilometro mi) at kabisera nito ang Port-au-Prince. Ang Haitian Creole at Pranses ang mga opisyal na wika nito.
Ang rehiyunal, historikal, at etnolingwistikong posisyon ng Haiti ay bukod tangi sa maraming mga kadahilanan. Ito ang kauna-unahang bansang naging malaya sa Latin Amerika, ang kauna-unahang bansang malayang pinamumunuan ng itim na lahi pagkatapos ng panahong kolonyal sa daigdig, at ang tanging bansa na lumaya sa isang matagumpay na pag-aaklas ng mga alipin noong 1804.[7] Kahit na mayroong pangkaraniwang ugnayang kultural ang Haiti sa mga kalapit bansa nitong Hispano-Karibyano, ito lamang ang nag-iisang bansang malaya sa rehiyon na predominanteng mananalita ng Wikang Pranses. Isa lamang ito sa dalawang malayang bansa sa Kanlurang Hating-lobo (ang isa ay ang Canada), na nagtalaga sa Wikang Pranses bilang punong wika; ang iba pang mga pook na nagsasalita ng Pranses ay pawang mga panlabas na sangay at teritoryo ng Pransiya.
Pinakamahirap na bansa sa Amerika ang Haiti. Salungat sa mga palasak na paniniwala, gayunman, hindi ito ang pinakamahirap sa Kanlurang hating-globo. Sa iba't ibang okasyon, nakaranas ito ng mga kaguluhang pampolitika sa kabuuan ng kasaysayan nito. Ang pinakahuli ay noong Pebrero 2004, isang rebelyon ang pumwersang magpabitiw at magpatalsik kay Pangulong Jean-Bertrand Aristide, at isang pansamantalang pamahalaan ang namahala na may pagtitibay mula sa United Nations Stabilization Mission in Haiti (MINUSTAH).
Noong 12 Enero 2010, isang 7.0 magnitude na lindol ang yumanig sa Haiti at nagwasak sa kabiserang lungsod ng Port-au-Prince. Naiulat na 150,000 katao ang namatay at lumaon pangkatang inilibing, subalit ang tumpak na bilang ay mahirap alamin at ang mga ulat ng bilang ay pabago bago, at malaking bilang ang nawalan ng tirahan..[8] Ang palasyo ng Pangulo, Parlyamento, at iba pang mga mahahalagang estruktura ay nawasak, kasama ang hindi mabilang na bahay at negosyo.
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/>
tag para rito); $2
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)