Hapon | |
---|---|
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Tokyo 35°41′N 139°46′E / 35.683°N 139.767°E |
Pambansang wika | Hapones |
Katawagan | Hapones |
Pamahalaan | Unitaryong parlamentaryong monarkiyang pansaligang batas |
Naruhito | |
Shigeru Ishiba | |
Lehislatura | Pambansang Diyeta |
• Mataas na Kapulungan | Kapulungan ng mga Konsehal |
• Mababang Kapulungan | Kapulungan ng mga Kinatawan |
Pagkabuo | |
Pebrero 11, 660 BK | |
Nobyembre 29, 1890 | |
Mayo 3, 1947 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 377,975 km2 (145,937 mi kuw) (ika-62) |
• Katubigan (%) | 1.4 (noong 2015) |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2021 | 125,502,000 (ika-11) |
• Senso ng 2020 | 126,226,568 |
• Densidad | 332/km2 (859.9/mi kuw) (ika-24) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2021 |
• Kabuuan | $5.586 trilyon (ika-4) |
• Bawat kapita | $44,585 (ika-27) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2021 |
• Kabuuan | $5.378 trilyon (ika-3) |
• Bawat kapita | $42,928 (ika-23) |
Gini (2018) | 33.4 katamtaman · ika-78 |
TKP (2019) | 0.919 napakataas · ika-19 |
Salapi | Yen ng Hapon (¥) |
Sona ng oras | UTC+09:00 (JST) |
Gilid ng pagmamaneho | kaliwa |
Kodigong pantelepono | +81 |
Internet TLD | .jp |
Ang Hapon (Hapones: 日本; Nippon o Nihon) ay bansang pulo na matatagpuan sa Silangang Asya. Ito'y nasa hilagang-kanlurang Karagatang Pasipiko, at nasa kanluran ng Dagat Hapon, habang umaabot mula sa Dagat Ohotsk sa hilaga patungo sa Dagat Silangang Tsina at Taywan sa timog. Bahagi ang bansa ng Singsing ng Apoy ng Pasipiko at sumasaklaw sa isang kapuluan ng 6852 pulo na mayroong lawak na 377,975 kilometrong kuwadrado; ang limang pangunahing isla ay ang Honshu, Hokkaido, Shikoku, Kyushu, at Okinawa. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Tokyo.
Ang Hapon ay binubuo ng 6,852 mga pulo. Karamihan sa mga pulo dito ay mabundok, at ang iba ay may mga bulkan, kabilang na ang pinakamataas na bahagi ng bansa, ang Bundok Fuji. Ang Hapon ay pang-sampu sa may pinakamalaking populasyon, na may 128 milyong katao. Ang Kalakhang Tokyo, kasama ang Tokyo at ang iba pang nakapalibot na prepektura, ay ang pinakamalaking metropolitanong lugar, na tinitirahan ng 30 milyong katao.
May mga pagsasaliksik na nagsasabi na may mga taong nanirahan na sa mga kapuluan ng Hapon noong panahon pa ng paleolitiko. Ang bansang Hapon ay ang ikatlong pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo noong 2012 (ayon sa nominal GDP), at ang ikaanim sa pinakamalaking naaangkat at tagapag-angkat. Ito ay kasapi ng mga Nagkakaisang Bansa, G8, at ng APEC.