Hilagang Polo

90°N 0°W / 90°N -0°E / 90; -0

Isang usling Azimuthal na pinapakita ang Karagatang Artiko at ang Hilagang polo.
Tanawin ng Hilagang Polo

Ang Hilagang Polo, tinatawag din na Heograpikong Hilagang Polo o Panlupang Hilagang Polo ay isang bahagi sa ibabaw ng Daigdig na nakapirme pakundangan sa ibabaw na binibigyan kahulugan bilang ang punto sa hilagang hating-daigdig kung saan nagsasalubong ang aksis ng pag-ikot ng Daigdig at ang ibabaw ng Daigdig. Hindi dapat ito ipagkamali sa Hilagang Magnetikong Polo.

Pinakahilagang bahagi ng Daigdig ang Hilagang Polo, na diyametrikong kabaligtaran ng Polong Timog. Ang heodetikong latitud nito ay 90° Hilaga (Φ= +π/2), gayon din ang direksiyon ng Totoong Hilaga. Papuntang timog ang lahat ng direksiyon sa Hilagang Polo, at dahil dito maaaring maging kahit anumang halaga ang longhitud nito (-π ≤ λ ≤ +π).

Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.


Developed by StudentB