Ang Huwebes (ponemikong baybay: Hwebes) ay ang araw ng linggo sa pagitan ng Miyerkoles at Biyernes.
Ang pangalan ay nagmula sa Old English na þunresdæg at Middle English na Thuresday (na may pagkawala ng -n-, una sa mga diyalektong hilagang bahagi ng England dahil sa impluwensiya ng Old Norse na Þórsdagr) na nangangahulugang "Araw ni Thor". Ito ay pinangalanang pagkatapos ng Norse god of Thunder na si Thor.[2][3][4] Ang mga pangalan na Thunor, Donar (Aleman, Donnerstag) at Thor ay nagmula sa pangalan ng Germanic god ng thunder na si Thunraz, katumbas ng Jupiter sa interpretatio romana.
Sa karamihan ng mga wika sa mga Romance, ang araw ay pinangalanan ayon sa Roman god na si Jupiter, na ang diyos ng langit at thunder. Sa Latin, kilala ang araw bilang Iovis Dies, "Araw ni Jupiter". Sa Latin, ang genitive o possessive case ni Jupiter ay Iovis / Jovis kaya sa karamihan ng mga wika sa mga Romance ito ay naging salita para sa Huwebes: Italian giovedì, Spanish jueves, French jeudi, Sardinian jòvia, Catalan dijous, Galician xoves at Romanian joi. Ito rin ay naka-reflect sa p-Celtic Welsh na dydd Iau.
Ang astrolohiya at astronomiya ng signo ng planetang Jupiter (♃ Jupiter) ay kung minsan ginagamit upang kumatawan sa Huwebes.
Dahil ang Roman god na si Jupiter ay kinilala bilang Thunor (Norse Thor sa hilagang Europa), karamihan sa mga wika sa mga Germanic ay nagbigay ng pangalan sa araw na ito matapos ang diyos na ito: Torsdag sa Danish, Norwegian, at Swedish, Hósdagur/Tórsdagur sa Faroese, Donnerstag sa Aleman, o Donderdag sa Dutch. Ang Finnish at Northern Sami, parehong hindi Germanic (Uralic) languages, ay gumagamit ng borrowing na "Torstai" at "Duorastat". Sa extinct na Polabian Slavic language, ito ay perundan, ang Perun ay ang Slavic na katumbas ni Thor. [5]