Imperensiya

Sa pangkalahatan, ang imperensiya ay ang mga konklusyon ng tao sa isang pangyayari o obserbasyon. Tinatawag din itong pagkakilala, hinuha, paghango, paghulo, o pagkuro. Ang imperensiya ay ang kilos o proseso ng paghango ng mga konklusyong panglohika magmula sa mga saligan na nalalaman o ipinapalagay bilang totoo.[1] Ang konklusyong nailabas ay tinatawag na idyomatiko. Ang mga panuntunan ng katanggap-tanggap na imperensiya ay pinag-aaralan sa larangan ng lohika. Ang imperensiyang pantao (iyong kung paano nakagagawa ng mga konklusyon ang mga tao) ay nakaugaliang pinag-aaralan sa loob ng sikolohiyang pampagtalos; ang mga mananaliksik sa intelihensiyang artipisyal ay nakapagpaunlad ng awtomadong mga sistemang pang-imperensiya upang magaya ang imperensiyang pantao. Ang imperensiyang pang-estadistika ay nagpapahintulot ng imperensiya mula sa datong kuwantitatibo.

  1. inference, thefreedictionary.com

Developed by StudentB