Imperyong Akemenida

Imperyong Akemenida
Khshassa[1]
550 BCE–330 BCE
Watawat ng Persiya
Watawat ni Dakilang Ciro
Ang mapa ng Imperyong Akemenida (berde) ca. 480 BCE.
Ang mapa ng Imperyong Akemenida (berde) ca. 480 BCE.
KabiseraBabilonya[2] (pangunahing kabisera), Pasargadae, Ecbatana, Susa, Persepolis
Karaniwang wikaLumang Persiyano[a]
Imperyal na Arameo[b]
Babilonyo[3]
Medo
Sinaunang Griyego[4]
Elamita
Sumeryo[c]
Relihiyon
Zoroastrianismo, Relihiyong Babilonyo[5]
PamahalaanMonarkiya
Hari (xšāyaϑiya) o Hari ng mga Hari (xšāyaϑiya xšāyaϑiyānām) 
• 559–529 BCE
Dakilang Ciro
• 336–330 BCE
Dario III ng Persiya
PanahonKlasikal na antikidad
550 BCE
547 BCE
539 BCE
525 BCE
499–449 BCE
343 BCE
330 BCE
Lawak
500 BK[6][7]5,500,000 km2 (2,100,000 mi kuw)
Populasyon
• 500 BCE[8]
17 milyon hanggang 35 milyon
SalapiDaric, siglos
Pinalitan
Pumalit
Medes
Imperyong Neo-Babilonio
Lydia
Ikadalawampu't-anim na Dinastiya ng Ehipto
Kaharian ng Gandhara
Sogdia
Massagetae
Kaharian ng Macedonia
Ikadalawampu't walong dinastiya ng Ehipto
a. ^ Katutubong wika.
b. ^ Opisyal na wika at lingua franca.[9]
c. ^ Wikang pampanitikan sa Babilonya.
Preview warning: Page using Template:Infobox country with unknown parameter "region"
Preview warning: Page using Template:Infobox country with unknown parameter "continent"

Ang Imperyong Akemenida o Achaemenida Empire (mula sa Lumang Persiyano na Haxāmanišiya,[10] c. 550–330 BCE), tinatawag ding Ang Unang Imperyong Persiyano,[11] ay isang imperyo sa Kanlurang Asya, na itinatag ni Cirong Dakila. Sa pinakadakilang lawak nito na ang lawak ay mula sa Balkan hanggang sa Lambak ng Indus, ay naging isa ito sa mga pinakamalalaking imperyo sa kasaysayan, na sumasaklaw sa 5.5 milyon na kilometrong parisukat, at noon ay naging mas malaki kaysa sa alin mang nakaraang imperyo sa kasaysayan. Bantog ito sa matagumpay na modelo ng isang sentralisadong, pangangasiwang burukratiko (sa pamamagitan ng mga satrapa sa ilalim ng Hari ng mga Hari), sa mga pagtayo ng imprastruktura tulad ng mga sistema ng kalsada at isang sistema ng koreo at sa paggamit ng isang opisyal na wika sa kabuuan ng mga teritoryo nito at sa isang malaking propesyonal na hukbo at sa mga serbisyong sibil, na nagpasigla sa mga katulad na sistema sa mga sumunod na imperyo.[12] Kilala ito sa Kanluraning kasaysayan bilang ang katunggali ng mga Griyegong lungsod-estado sa panahon ng mga Digmaang Griyego-Persiyano at sa pagpapalaya ng mga Hudyong tapon sa Babilonya. Ang Mausoleo sa Halicarnassus, na isa sa Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig, ay itinayo sa isang Helenistikong estilo sa imperyo.

Mapa ng Imperyong Akemenida(Persiya, dilaw) na nagpabagsak sa Medes noong 550 BCE at Imperyong Neo-Babilonya noong 539 BCE.

Nang ika-7 siglo BCE, ang mga Persiyano ay namuhay sa timog-kanluraning bahagi ng Iranyang Talampas sa rehiyon ng Persis,[13] na naging kanilang sentro.[14] Mula sa rehiyong ito, sumulong si Cirong Dakila upang talunin ang mga Medo, ang Lydia, at ang Imperyong Neo-Babilonyo, itinatatag ang Imperyong Akemenida. Ang delegasyon ng kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan ay inaakala na kalaunan ay nagpahina sa kapamahalaan ng hari, na nagsanhi sa paggasta sa mga pag-aaring yaman sa mga pagtatangka upang supilin ang mga lokal na paghihimagsik, at humantong sa kawalan ng pagkakaisa ng mga rehiyon sa panahon ng pagsalakay ni Dakilang Alejandro noong 334 BCE.[14] Ang palagay na ito, gayun pa man, ay hinahamon ng ilang mga modernong iskolar na nakikipagtaltalan na ang Imperyong Akemenida ay hindi humarap sa anumang naturang krisis sa panahon ni Alejandro, na mga panloob na paghalili na pakikibaka sa loob ng pamilyang Akemenida lamang ang kailan man lumapit sa pagpapahina ng imperyo.[14] Si Alejandro, na malaking tagahanga ni Cirong Dakila, ay kalaunang sumakop sa imperyo sa kabuuan nito noong 330 BCE.[15] Sa kanyang kamatayan, ang karamihan sa dating teritoryo noong imperyo ay sumailalim sa pamamahala ng Kahariang Ptolemaiko at Imperyong Seleucid, bilang karagdagan sa iba pang mga menor na mga teritoryo na nakakamit ng pagsasarili sa panahong iyon. Kalaunan ay makakabawi ng kapangyarihan yaong Persiyanong populasyon sa gitnang talampas sa ikalawang siglo BCE sa ilalim ng Imperyong Parto.[14]

Ang makasaysayang tanda ng Imperyong Akemenida ay hindi lamang humangga sa teritoryal at militar na impluwensya nito kundi pati din sa impluwensyang kultura, panlipunan, teknolohikal at relihiyon. Maraming mga Ateniense ang tumaglay ng mga kaugaliang Akemenida sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa isang pagpapalitan ng impluwensiya ng kultura,[16] na ang ilan ay inimpleyado ng, o nakaalyado sa mga hari ng Persiya.

  1. Daryaee, edited by Touraj; A. Shapour Shahbazi (2012). The Oxford handbook of Iranian history. Oxford: Oxford University Press. p. 131. ISBN 978-0-19-973215-9. Nakuha noong 29 Disyembre 2016. Although the Persians and Medes shared domination and others were placed in important positions, the Achaemenids did not -- could not -- provide a name for their multinational state. Nevertheless, they referred to it as Khshassa, "the Empire". {{cite book}}: |first1= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Yarshater, Ehsan (1993). The Cambridge History of Iran, Volume 3. Cambridge University Press. p. 482. ISBN 978-0-521-20092-9. Of the four residences of the Achaemenids named by HerodotusEcbatana, Pasargadae or Persepolis, Susa and Babylon — the last [situated in Iraq] was maintained as their most important capital, the fixed winter quarters, the central office of bureaucracy, exchanged only in the heat of summer for some cool spot in the highlands. Under the Seleucids and the Parthians the site of the Mesopotamian capital moved a little to the north on the Tigris — to Seleucia and Ctesiphon. It is indeed symbolic that these new foundations were built from the bricks of ancient Babylon, just as later Baghdad, a little further upstream, was built out of the ruins of the Sassanian double city of Seleucia-Ctesiphon.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Harald Kittel; Juliane House; Brigitte Schultze; Juliane House; Brigitte Schultze (2007). Traduction: encyclopédie internationale de la recherche sur la traduction. Walter de Gruyter. pp. 1194–5. ISBN 978-3-11-017145-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Greek and Iranian, E. Tucker, A History of Ancient Greek: From the Beginnings to Late Antiquity, ed. Anastasios-Phoivos Christidēs, Maria Arapopoulou, Maria Chritē, (Cambridge University Press, 2001), 780.
  5. Boiy, T. (2004). Late Achaemenid and Hellenistic Babylon. Peeters Publishers. p. 101. ISBN 978-90-429-1449-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Turchin, Peter; Adams, Jonathan M.; Hall, Thomas D (Disyembre 2006). "East-West Orientation of Historical Empires". Journal of world-systems research. 12 (2): 223. ISSN 1076-156X. Nakuha noong 12 Setyembre 2016.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Taagepera, Rein (1979). "Size and Duration of Empires: Growth-Decline Curves, 600 B.C. to 600 A.D." Social Science History. 3 (3/4): 121. doi:10.2307/1170959. Nakuha noong 12 Setyembre 2016.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Morris, Ian; Scheidel, Walter (2009). The Dynamics of Ancient Empires: State Power from Assyria to Byzantium. Oxford University Press. p. 77. ISBN 978-0-19-975834-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Josef Wiesehöfer, Ancient Persia, (I.B. Tauris Ltd, 2007), 119.
  10. Curtis, Vesta Sarkhosh; Stewart, Sarah (2010). The Sasanian Era. I.B.Tauris. ISBN 978-0-85773-309-2. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Sampson, Gareth C. (2008). The Defeat of Rome: Crassus, Carrhae and the Invasion of the East. Pen & Sword Books Limited. p. 33. ISBN 978-1-84415-676-4. Cyrus the Great, founder of the First Persian Empire (c. 550–330 BC).{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Schmitt Achaemenid dynasty (i. The clan and dynasty)
  13. http://www.utexas.edu/cola/centers/lrc/eieol/opeol-MG-X.html Naka-arkibo 2016-02-18 sa Wayback Machine. Macdonell and Keith, Vedic Index. This is based on the evidence of an Assyrian inscription of 844 BCE referring to the Persians as Paršu, and the Behistun Inscription of Darius I referring to Pārsa as the area of the Persians. Radhakumud Mookerji (1988). Chandragupta Maurya and His Times (p. 23). Motilal Banarsidass Publ. ISBN 81-208-0405-8.
  14. 14.0 14.1 14.2 14.3 David Sacks; Oswyn Murray; Lisa R. Brody; Oswyn Murray; Lisa R. Brody (2005). Encyclopedia of the ancient Greek world. Infobase Publishing. pp. 256 (at the right portion of the page). ISBN 978-0-8160-5722-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Ulrich Wilcken (1967). Alexander the Great. W. W. Norton & Company. p. 146. ISBN 978-0-393-00381-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Margaret Christina Miller (2004). Athens and Persia in the Fifth Century BC: A Study in Cultural Receptivity. Cambridge University Press. p. 243. ISBN 978-0-521-60758-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Developed by StudentB