Justice League | |
---|---|
Kabatiran sa paglalathala | |
Tagalimbag | DC Comics |
Unang labas | The Brave and the Bold #28 (Pebrero/Marso 1960) |
Nilikha ni | Gardner Fox |
Kabatiran sa napapaloob na kuwento | |
Himpilan | The Hall at ang Satellite Watchtower The Refuge JLI Embassies Detroit Bunker Satellite Secret Sanctuary |
Kasapi | |
Tingnan:Tala ng mga kasapi ng Justice League |
Ang Justice League (Ingles, literal sa Tagalog: "Samahan ng Katarungan") ay kathang-isip na pangkat na mga superhero na lumalabas sa mga komiks na nailathala ng DC Comics. Naisip ang pangkat ng manunulat na si Gardner Fox noong Panahong Pilak o Silver Age ng Komiks bilang isang muling pag-isip ng Justice Society of America mula sa Panahong Ginto o Golden Age ng Komiks. Orihinal na binubuo nina Superman, Batman, Wonder Woman, The Flash, Green Lantern, Aquaman at Martian Manhunter, una silang lumabas na magkakasama bilang ang Justice League of America (JLA) sa The Brave and the Bold #28 (Marso 1960).[1]
Umiikot ang listahan ng mga kasapi ng Justice League sa paglipas ng panahon, na binubuo ng iba't ibang mga superhero mula sa DC Universe, such as The Atom, Big Barda, Black Canary, Cyborg, Green Arrow, Elongated Man, the Flash/Wally West, Green Lantern/John Stewart, Hawkgirl, Hawkman, Metamorpho, Plastic Man, Power Girl, Orion, Red Tornado, Stargirl, Captain Marvel/Shazam, at Zatanna, bukod sa marami pang iba.