Kape

Kape
Isang tasa ng kapeng barako na napapaligiran ng mga buto ng kape
UriKaraniwang mainit, maaaring kasinlamig ng yelo
Bansang pinagmulanYemen[1]
IpinakilalaIka-15 siglo
KasangkapanSinangag na buto ng kape
Espresso at kapeng itim

Ang kape ay isang inumin na hinahanda mula sa mga nilutong butil ng halamang kape. Kulay-dilim, mapait, at medyo maasido, nakapagpapasigla sa mga tao ang kape, pangunahin dahil sa nilalamang kapeina nito. Ito ang pinakamabentang inuming mainit sa pandaigdigang merkado.[2]

Pinaghihiwalay ang mga butil ng mga bunga ng halamang kape upang makayari ng mga hilaw na berdeng butil ng kape. Sinasangag ang mga butil at ginigiling hanggang pinong-pino na tipikal na ibinababad sa mainit na tubig bago salain, na bumubuo sa isang tasa ng kape. Karaniwan itong inihahain nang mainit, ngunit karaniwan din ang kape na pinalamig o kon-yelo. Maaaring ihain at itanghal ang kape sa samu't saring paraan (hal. espresso, kapeterang Pranses, caffè latte, o dinelatang kape na nilaga na). Karaniwang idinaragdag ang asukal, kapalit ng asukal, gatas, at krema upang mawala ang pait o gawing mas masarap ang lasa.

Kahit kinakalakal na ang kape sa buong mundo ngayon, mayroon itong mahabang kasaysayan na may malapit na kaugnayan sa mga tradisyon ng pagkain sa may Dagat Pula. Lumilitaw ang pinakaunang mapagtitiwalaang ebidensya ng pag-iinom ng kape sa modernong anyo sa modernong-panahong Yemen sa timog Arabia sa kalagitnaan ng ika-15 siglo sa mga dambanang Sufi, kung saan unang sinangag at nilaga ang mga butil ng kape sa paraang kahawig sa paghahanda nito ngayon.[3] Nakuha ang mga butil ng kape ng mga Yemeni mula sa Kabundukang Etiyopiyano sa pamamagitan ng mga intermedyaryong Somali sa mga baybayin, at nilinang sa Yemen. Pagsapit ng ika-16 na siglo, umabot ang inumin sa ibang bahagi ng Gitnang Silangan at Hilagang Aprika, at sumunod ang pagkalat sa Europa.

C. arabica at C. robusta ang dalawang pinakatinatanim na halamang kape.[4] Nililinang ang mga halamang kape sa mahigit 70 bansa, lalo na sa mga rehiyong malapit sa ekwador: Kaamerikahan, Timog-silangang Asya, subkontinenteng Indiyo, at Aprika. Kinakalakal ang berdeng, di-sangag na kape bilang kalakal pang-agrikultura. Napakalaki ang industriya ng kape sa mundo na naghalagang $495.50 bilyon pagsapit ng 2023.[5] Sa parehong taon, Brasil ang nanguna sa pagtatanim ng butil ng kape, na bumubuo sa 35% ng ani ng mundo, sinundan ng Biyetnam at Kolombiya. Kahit umaabot ang benta ng kape ng bilyun-bilyong dolyar sa buong mundo, nabubuhay sa kahirapan ang karamihan ng mga mangkakape. Tinukoy rin ng mga kritiko ng industriya ng kape ang negatibong epekto nito sa kapaligiran at ang paghahawan sa lupa para sa pagtatanim ng kape at paggamit nito ng tubig.

  1. * Ukers, William Harrison (1922). All About Coffee [Lahat Tungkol sa Kape] (sa wikang Ingles). Tea and Coffee Trade Journal Company. p. 5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Global Hot Drinks Market Size, Share | Industry Trends Report, 2025" [Pandaigdigang Sukat at Bahagi ng Merkado ng Mga Maiinit na Inumin | Ulat sa Mga Uso sa Industriya, 2025]. www.grandviewresearch.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Weinberg & Bealer 2001, pp. 3–4
  4. "A Guide To Different Types Of Coffee Beans, Roasts & Drinks" [Isang Gabay sa Mga Iba't Ibang Uri ng Buto, Sangag & Inuming Kape] (sa wikang Ingles). 2021-08-13. Nakuha noong 2023-01-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "33+ Buzzing Coffee Industry Statistics [2023]: Cafes, Consumption, And Market Trends" [33+ Sabik na Estadistika sa Industriya ng Kape [2023]: Kapihan, Pagkonsumo, At Mga Uso sa Merkado]. Zippia (sa wikang Ingles). 2023-03-19. Nakuha noong 2023-12-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Developed by StudentB