Ang karagatan ay anyong tubig na maalat na tinatakapan ang ~70.8% ng Daigdig.[1] Maaring tumukoy din ito sa kahit anumang malaking anyong tubig na kung saan kumbensiyonal na hinahati ang karagatan ng mundo.[2] Ginagamit ang mga natatanging pangalan upang tukuyin ang limang iba't ibang mga lugar ng karagatan: Pasipiko, Atlantiko, Indiyano, Antartiko/Katimugan, at Artiko.[3][4] Naglalaman ang karagatan ng 97% ng tubig ng Daigdig[1] at ito ang pangunahing bahagi ng hidrospera ng Daigdig, kaya, mahalaga ang karagatan sa buhay sa Daigdig. Inimpluwensiyahan ng karagatan ang klima at mga huwaran ng lagay ng panahon, ang siklong karbono at pagpapaulit-ulit ng tubig sa pamamagitan ng pag-akto bilang isang malaking imbakan ng init.
Hinahati ng mga oseanograpo ang karagatan sa mga sonang patayo at pahiga batay sa mga kondisyong pisikal at pambiyolohiya. Ang sonang pelahiko ay isang bukas na hanay ng tubig ng karagatan mula sa ibabaw hanggang sa sahig ng karagatan. Nahahati pa ang mga hanay ng tubig sa mga sona batay sa lalim at halaga ng liwanag na mayroon. Nagsisimula ang sonang potiko sa ibabaw at binibigayan kahulugan ito bilang ang lalim na kung saan ang intesidad ng liwanag ay 1% lamang ng halaga sa ibabaw[5]:36 (tinatayang 200 m sa bukas na karagatan). Ito ang sona na kung maaring mangyari ang potosintesis. Sa prosesong ito, ginagamit ng mga halaman at lumot na mikroskopiko (malayang lumulutang na pitoplankton) ang liwanag, tubig, karbono diyoksido, at sustansya upang makagawa ng materyang organiko. Bilang resulta, ang sonang potiko ay ang pinakasari-sari ang buhay at ang napagkukunan ng karamihan ng panustos ng pagkain sa karamihan ng ekosistema ng karagatan. Nakakagawa din ang potosintesis sa karagatan ng kalahati ng oksiheno ng atmospera ng Daigdig.[6] Makakatagos lamang ang liwanag sa ilang daang metro pa; ang natitirang bahagi ng mas malalim na karagatan ay malamig at madilim (tinatawag ang mga sonang ito bilang mga sonang mesopelahiko at apotiko). Sa kalapagang panlupalop kinatatagpo ng karagatan ang tuyong lupa. Mas mababaw ito, na may lalim ng ilang daan na metro o mas mababa pa. May negatibong epekto kadalasan ang aktibidad ng tao sa mga ekosistema sa loob ng kalapagang lupalop.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)