Ang salitang Katolisismo o Katolisidad ay may dalawang eklestiyastikal na kahulugan ayon sa talatinigang Webster , una ay ang buong Ortodoks ng Kristiyanong Simbahan o ang pagsunod dito, at pangalawa, ang mga doktrina na paniniwalaan ng Simbahang Romano Katoliko o ang pagsunod dito.
Ang salitang ito ay hango sa salitang Griyegong καθολικός -ή -όν (katholikos), nangangahulugan ng "pangkalahatan" o "unibersal". Sa Griyego, ang salita para sa simbahan ay gumagamit ng pambabaeng porma ng pang-uri ἡ Καθολικὴ Ἐκκλησία.