Koloide

Ang isang koloide (Ingles: colloid), suspensiyong koloidal, dispersyong koloidal ay isang sustansiya na may isa o dalawang parte o pase na nasa mesoskopiko na nasa ng pagitan ng halo-halong mikroskopiko (homogeneous) at halo-halong makroskopiko (heterogeneous) at kung saan ang katangian nito ay nasa pagitan din nito. Ang mga karaniwang lamad (membrane) ay pumipigil magparaan ng nakakalat na mga partikulang koloidal kaysa sa magparaan ng tunaw ng mga iono o molekula; alalaumbaga nakalulusot ang mga iono o molekula sa lamad habang ang mga partikulang koloidal ay hindi nakalulusot. Ang pase ng nakakalat na partikula ay apektadong malaki ng kimika sa rabaw ng koloide.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga koloides: mantekilya, gatas, krema, aerosols (ulop, usok, aso), aspalto, tinta, pintura, pandikit at bula sa dagat. Ang larangang ito ay sinimulan noong 1869 ni Thomas Graham isang siyentipikong Eskoses. Ang laki ng mga partikula ng nakakalat na pase sa isang koloide ay mula isang nanometro hanggang isang mikrometro. Ang nakakalat ng mga partikula sa mga laking ito ay tinatawag ng aerosol na koloidal, emulsyong koloidal, espumang koloidal o nakakalat o nakalutang na koloid. Dahil sa epektong Tyndall, ang mga koloides ay maaaring may kulay o malabo dahil sa ikinakalat ng mga partikula sa koloid ang liwanag


Developed by StudentB