Ang Lating Pansimbahan o Lating Eklesyastiko (Wikang Latin: lingua Latina ecclesiastica; Ingles: ecclesiastical Latin) ay ang anyo ng Latin na ginagamit ng Simbahang Katoliko sa Lungsod ng Batikano, Roma. Naiiba ito sa Lating Klasikal, na ang pagkakaiba ay kadalasang nasa pagbigkas lamang:
- Binibigkas ang c, g, sc, at xc na [ch], [j], [sh], at [ksh], bago ng ae, e, i, oe, o y;
- Hindi ipinagtatangi ang mga mahahaba at maiikling patinig;
- Hindi binibigkas ang h (liban sa iilang mga salita);
- Binibigkas ang v na [v];
- Binibigkas ang qu na [kw];
- Binibigkas ang gn na [ny];
- Binibigkas ang ph na [f];
- Binibigkas ang ti na [tsi] bago ng patinig;
- Binibigkas ang ae at oe nang [ey] o [e], at madalas na sinusulat na æ at œ; at