Lingguwistika

Ang lingguwistika o linggwistika (mula Espanyol lingüística),[1][2] kilala rin sa tawag na dalubwikaan, aghamwika, o agwika,[3] ay ang maagham na pag-aaral sa mga wika ng tao.[4] Sakop nito ang lahat ng mga pagsusuri sa bawat isang bahagi at aspeto ng wika, gayundin sa mga kapaaranan para mapag-aralan sila at magawan ng mga modelo.

Ang ponetika, ponolohiya, morpolohiya, sintaksis, semantika, at pragmatika ay ang mga tradisyonal na disiplina sa ilalim ng lingguwistika.[5] Pinag-aaralan ng mga ito ang mga penomenang nagaganap sa mga sistema ng lingguwistika ng tao: tunog (pati galaw, para sa mga wikang nakasenyas), maliliit na yunit (tulad ng salita at morpema), mga parirala at pangungusap, gayundin ang kahulugan at paggamit.

Tinatawag na mga dalubwika o lingguwista ang mga taong dalubhasa sa lingguwistika.[6][7][8]

  1. "lingguwistika". Diksiyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong Oktubre 12, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "linggwistika". Tagalog Lang (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 12, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "aghamwika". Tagalog Lang (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 12, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Halliday, Michael A.K.; Jonathan Webster (2006). On Language and Linguistics [Ukol sa Wika at Lingguwistika] (sa wikang Ingles). Continuum International Publishing Group. p. vii. ISBN 978-0-8264-8824-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Adrian Akmajian, Richard A. Demers, Ann K. Farmer, Robert M. Harnish (2010). Linguistics [Lingguwistika] (sa wikang Ingles) (ika-6 (na) edisyon). The MIT Press. ISBN 978-0-262-51370-8. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-12-14. Nakuha noong 2021-10-16.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  6. "dalubwika". Diksyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong Oktubre 16, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "lingguwista". Diksyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong Oktubre 16, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "dalubwika". Tagalog Lang (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 16, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Developed by StudentB