Manuel Luis Quezon y Molina | |
---|---|
Ika-2 Pangulo ng Pilipinas | |
Nasa puwesto Naglingkod kasama si Jose P. Laurel 15 Nobyembre 1935 – 1 Agosto 1944 | |
Pangalawang Pangulo | Sergio Osmeña |
Nakaraang sinundan | |
Sinundan ni |
|
Nasa puwesto 16 July 1941 – 11 December 1941 | |
Pangulo | Himself |
Nakaraang sinundan | Teófilo Sison |
Sinundan ni | Jorge B. Vargas |
Ika-1 Pangulo ng Senado ng Pilipinas | |
Nasa puwesto 29 Agosto 1916 – 15 Nobyembre 1935 | |
Sinundan ni |
|
Mayor of Quezon City | |
Nasa puwesto 12 October 1939 – 4 November 1939 | |
Nakaraang sinundan | Position established |
Sinundan ni | Tomas Morato |
Senator of the Philippines from the 5th district | |
Nasa puwesto 16 October 1916 – 15 November 1935 Nagsisilbi kasama ni
| |
Nakaraang sinundan | Position established |
Sinundan ni | Position abolished |
Resident Commissioner of the Philippines | |
Nasa puwesto 23 November 1909 – 15 October 1916 Nagsisilbi kasama ni
| |
Nakaraang sinundan | Pablo Ocampo |
Sinundan ni | Teodoro R. Yangco |
Assembly Majority Leader | |
Nasa puwesto 16 October 1907 – 23 November 1909 | |
Nakaraang sinundan | Position established |
Sinundan ni | Alberto Barreto |
Member of the Philippine Assembly from Tayabas's 1st district | |
Nasa puwesto 16 October 1907 – 15 May 1909 | |
Nakaraang sinundan | Position established |
Sinundan ni | Filemon Pérez |
Governor of Tayabas | |
Nasa puwesto 1906–1907 | |
Nakaraang sinundan | Ricardo G. Parás |
Sinundan ni | Alfredo Castro |
Member of the Lucena Municipal Council | |
Nasa puwesto 1906–1906 | |
Personal na detalye | |
Isinilang | Manuel Luis Quezon y Molina 19 Agosto 1878 Baler, El Príncipe, Captaincy General of the Philippines (now Baler, Aurora, Philippines) |
Yumao | 1 Agosto 1944 Saranac Lake, New York, U.S. | (edad 65)
Dahilan ng pagkamatay | Tuberculosis |
Himlayan |
|
Partidong pampolitika | Nacionalista (1907–1944) |
Asawa | Aurora Aragon (k. 1918) |
Anak | 4 |
Kaanak | Manuel L. Quezon III (grandson) |
Edukasyon | Colegio de San Juan de Letran |
Alma mater | University of Santo Tomas |
Pirma | |
Serbisyo sa militar | |
Katapatan | |
Sangay/Serbisyo | |
Taon sa lingkod |
|
Ranggo | |
Labanan/Digmaan |
Si Manuel Luis Quezon y Molina (Agosto 19, 1878 – Agosto 1, 1944), kilala rin sa kanyang mga inisyal na MLQ, ay Pilipinong sundalo, abogado, at politiko na itinatagurian bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kung saan pinangunahan niya ang Amerikanong Komonwelt mula 1935 hanggang 1944.
Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.[kailangan ng sanggunian]
Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal noong 1941.[kailangan ng sanggunian]
Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.[kailangan ng sanggunian]
Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin Country, New York noong 1 Agosto 1944 sa edad na 66.[kailangan ng sanggunian] Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.
Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon. Siya rin ay tinawag bilang Ama ng Wikang Pambansa.