Maria

Ang Thetokos ng Vladimir na isa sa pinakapipitaganang ikono ni Maria sa Simbahang Silangang Ortodokso, ca. 1131

Si Maria (Ebreo: מִרְיָם, Miriam; Arameo: Maryām; Arabe: مريم, Maryam) at tinatawag ring Santa Maria, Inang Maria, ang Theotokos, Mapalad na Birheng Maria, Ina ng Diyos, Mariam na ina ni Isa (sa Islam) ayon sa tradisyong Kristiyano at Muslim ang ina ni Hesus. Ayon sa bibliya partikular na sa apat na kanonikal na ebanghelyo ang ina ni Hesus na nagmula sa Nazareth, Galilea. Siya ay itinuturing ng maraming mga Kristiyano na unang akay sa Kristiyanismo. Siya ay isinasaad sa Bagong Tipan sa Mateo 1:16,18-25 at Lucas 1:26-56, 2:1-7 at sa Quran bilang ina ni Hesus sa pamamagitan ng interbensiyon ng diyos. Ang kanyang anak na si Hesus ay pinaniniwalaan ng maraming mga Kristiyano na ang mesiyas at ang diyos na nagkatawang tao. Si Hesus ay itinuturing sa Islam na mesiyas at ang ikalawang pinakamahalagang propeta sa lahat ng mga propeta sa Islam at mas mababa sa huling propetang si Muhammad. Siya ay inilalarawan sa Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas bilang isang birhen (parthenos sa Griyego) na naglihi ng milagroso kay Hesus sa pamamagitan ng ahensiya ng banal na espirito. Ang mga Muslim ay naniniwala na siya ay naglihi sa pamamagitan ng utos ng diyos.


Developed by StudentB