Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng: Politika at pamahalaan ng Pilipinas |
Tagapagbatas |
Panghukuman |
Mga kaugnay na paksa |
Sa Pilipinas, ang rehiyon ay isang subdibisyong administratibo na nagsisilbi upang isaayos ang mga lalawigan ng bansa para sa madaling pamamahala. Noong 2018, mayroon nang labing-anim (16) na rehiyon at ang mga ito ay nahahati sa walumpu't dalawang (82) lalawigan. Nabuo ang mga rehiyon upang pangkatin ang mga lalawigan na may pareparehong katangiang kultural at etnolohikal.
Ang mga lalawigan ang pangunahing subdibisyong politika. Ang mga ito ay napapangkat bilang rehiyon para sa madaliang pamamalakad. Karamihan ng tanggapan ng pamahalaan ay naitatawag bilang tanggapang pangrehiyon sa halip na paisa-isang tanggapang panlalawigan, at karaniwan sa lungsod na hinirang bilang kabisera ng rehiyon.
Orihinal na Binalak na maging awtonomo ang Cordillera Administrative Region (CAR) o Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera ngunit dahil sa di matagumpay na dalawang plebisito para gawing awtonomo ang CAR, naging regular na rehiyong administratibo na lamang ito.