Ang Miss Earth 2023 ay ang ika-23 edition ng Miss Earth pageant, na ginanap sa sa Vạn Phúc City, Lungsod ng Ho Chi Minh, Biyetnam noong 22 Disyembre 2023.[1][2]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Mina Sue Choi ng Timog Korea si Drita Ziri ng Albanya bilang Miss Earth 2023.[3] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Albanya sa Miss Earth.[4][5] Kinoronahan bilang Miss Earth-Air si Yllana Aduana ng Pilipinas, si Đỗ Thị Lan Anh ng Biyetnam bilang Miss Earth-Water, at si Cora Bliault ng Taylandiya bilang Miss Earth-Fire.[6][7]
Mga kandidata mula sa walumpu't-limang mga bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina James Deakin at Huỳnh Thị Thuỳ Dung ang kompetisyon. Nagtanghal sina Shontelle, JayKii, Mono, at Sara Luu sa edisyong ito.
Itinampok rin sa edisyong ito ang bagong Long Beach Pearl Crown na gawa sa ginto, kasama ang walumpu't-pitong mga perlas at mga bato na may iba't-ibang mga kulay.[8][9]