Miss Universe 1974 | |
---|---|
Petsa | Hulyo 21, 1974 |
Presenters |
|
Pinagdausan | Folk Arts Theater, Maynila, Pilipinas |
Brodkaster | Internasyonal: Opisyal: |
Lumahok | 65 |
Placements | 12 |
Bagong sali | |
Hindi sumali | |
Bumalik | |
Nanalo | Amparo Muñoz Espanya |
Congeniality | Anna Bjornsdóttir Lupangyelo |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Kim Jae-kyu Timog Korea |
Photogenic | Johanna Raunio Pinlandiya |
Ang Miss Universe 1974 ay ang ika-23 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Folk Arts Theater sa Maynila, Pilipinas noong 21 Hulyo 1974. Ito ang kauna-unahang edisyon na ginanap sa Asya.[1][2]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Margarita Moran ng Pilipinas si Amparo Muñoz ng Espanya bilang Miss Universe 1974. Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Espanya sa kasaysayan ng kompetisyon.[3] Nagtapos bilang first runner-up si Helen Morgan ng Gales, habang nagtapos bilang second runner-up si Johanna Raunio ng Pinlandiya.
Anim na buwan pagkatapos makoronahan, iniulat na bumitiw sa pwesto si Muñoz matapos na tumangging lumipad papuntang Hapon upang gampanan ang kanyang mga tungkulin bilang Miss Universe. Walang klarong rason kung bakit bumitiw si Muñoz, ngunit walang iniluklok ang mga pageant organizer upang palitan siya.[4] Dapat sana itong iaalok kay Helen Morgan, ngunit siya ay isang ina at nagwagi na bilang Miss World 1974 at bumitiw pagkatapos ng apat na araw dahil sa negatibong epekto sa kanya ng matinding interes ng media.[5][6][7]
Mga kandidata mula sa 65 bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Barker ang kompetisyon sa ikawalong pagkakataon, samantalang si Helen O'Connell ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.[8]
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)