Mga paksa sa Mitolohiyang Griyego |
---|
|
|
|
Greek mythology portal |
Ang mitolohiyang Griyego ang katawan ng mga mito at katuruan ng mga Sinaunang Griyego na nauukol at nagpapaliwanag ng pinagmulan at kalikasan ng mundo at nagdedetalye ng mga buhay at pakikipagsapalaran ng kanilang iba't ibang mga Diyos at mga Bayani. Ang mitolohiyang Griyego ay isang bahagi ng relihiyon sa modernong Gresya at sa buong mundo na kilala bilang Hellenismos. Ang mga modernong skolar ay nag-aaral ng mitolohiyang Griyego upang magbigay linaw sa mga institusyong relihiyoso at pampolitika ng Sinaunang Gresya at ng kabihasnan nito. Pinag-aaralan rin ito ng mga skolar upang maunawaan ang kalikasan ng mismong paggawa ng mito. Sa simula, ang mga salaysay na ito ay pinapakalat sa Sinaunang Gresya sa isang tradisyong tulang-pabigkas. Sa kasalukuyan, ang ating mga nanatiling sanggunian ng mga mitolohiyang Griyego ay mga gawang pang-panitikan ng mga tradisyong pagbigkas. Sumasalamin din ang mitolohiyang Griyego sa mga artipakto, ilang mga gawang sining, lalo na iyong mga pintor ng mga plurera. Tinutukoy ng mga Griyego mismo ang mga mitolohiya at mga kaugnay na gawang sining upang magbigay liwanag sa mga kultong pagsasanay at ritwal na mga tradisyon na napakaluma na at, minsan, hindi nauunawang mabuti.
Ang mitolohiyang Griyego ay pangunahing alam ngayon mula sa panitikang Griyego at mga representasyon sa mga biswal na media na mula pa sa panahong Heometriko mula c. 900 hanggang 800 BCE at pasulong.[1] Sa katunayan, ang mga sangguniang pampanitikan at arkeolohikal ay nagsasama at minsang parehong sumusuporta sa bawat isa at minsan magkasalungat. Gayunpaman, sa maraming mga kaso, ang pag-iral ng corpus ng datos ay isang malakas na indikasyon na ang marami sa mga elemento ng mitolohiyang Griyego ay may malakas na pinag-ugatang paktuwal at historikal.[2] Ang kabilang sa pinakamaagang mga sangguniang pampanitikan ang dalawang mga tulang epiko ni Homer na Iliad at Odyssey. Ang ibang mga manunula ay bumuo ng isang siklong epiko ngunit ang mga kalaunan at mas mababang mga tula ay halos buong nawala. Sa kabila ng kanilang pangalang tradisyonal, ang mga imnong Homeriko ay walang direktang kaugnayan kay Homer. May mga pang-korong himno mula sa mas maagang bahagi ng tinatawag na panahong Liriko. Si Hesiod na isang posibleng kontemporaryo ni Homer ay nagbibigay sa kanyang Theogony (Pinagmulan ng mga Diyos) ang pinakabuong salaysay ng ng mga pinakamaagang mitong Griyego na nauukol sa paglikha ng mundo, ang pinagmulan ng mga Diyos, mga Titan, mga Higante gayundin din ang masalimuot na mga henealohiya, mga kuwentong bayan, at mga mitong etiolohikal. Ang Mga Gawa at Araw ni Hesiod ay isang didaktikong tula tungkol sa buhay pagsasaka na kinabibilangan rin ng mga mito ni Prometheus, Pandora at ng Mga Apat na Panahon. Ang manunula ay nagbibigay ng mahusay na paraan upang magtagumpay sa isang mapanganib na mundo na mas ginawa pang mapanganib ng mga Diyos nito.