Mitolohiyang Romano

Romulus at Remus, Lupercal, Amang Tiber, at Palatine sa isang relief mula sa isang pedestal na mula pa sa pamumuno ni Trajan (98–117 CE)

Ang Mitolohiyang Romano ang katawan ng mga kuwentong tradisyonal na nauukol sa mga maalamat na pinagmulan ng Sinaunang Roma at paniniwalang panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano. Ang mga kuwentong ito ay itinuring ng mga Sinaunang Romano na nangyari sa kasaysayan kahit naglalaman ng mga elementong mahimala at supernatural. Ang mga kuwento ay kadalasang nauukol sa politika at moralidad na naayon sa batas ng kanilang mga Diyos. Ang kabayanihan ay isang mahalagang tema sa mga kuwentong Romano. Kapag ang nagbibigay linaw sa mga kasanayang panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano, ang mga kuwento ay nauukol sa ritwal at mga institusyon sa halip na teolohiya o kosmogoniya. Ang mga pangunahing sanggunian ng mitolohiyang Romano ang Aenid ni Virgil, kasaysayan ni Livy, Fasti ni Ovid, isang anim na tulang nakaistruktura sa kalendaryong relihiyoso ng mga Romano at ikaapat na aklat ng mga elehiya ni Propertius. Ang mga mitolohiyang Romano ay lumitaw rin sa mga dibuhong nasa pader sa Roma, mga baryang Romano at mga iskultura partikular sa mga relief.


Developed by StudentB