Pagkamakabansa

Ang pagkamakabansa o nasyonalismo[1] ay isang kataga na tumutukoy sa isang doktrina[2] o kilusang pampolitika[3] na pinanghahawakan na may karapatan ang isang bansa—kadalasang binibigyan kahulugan sa etnisidad o kultura na bumubuo ng isang malaya o awtonomong pamayanang pampolitika na nakabatay sa isang magkakatulad na kasaysayan at karaniwang patutunguhan. Ito rin ang ideyolohiyang pampolitika at sentimyento o damdamin bumubugkos sa isang tao sa iba pang mga taong may pagkakapareho sa kanyang wika, kultura o kalinangan, at mga kaugalian o tradisyon. Bagamat nakapagpapasigla o nakapagpapanimula ito ng demokratikong pampolitika na pagbabago at repormang pangkabuhayan o pang-ekonomiya, kadalasang kinalalabasan o nagreresulta ito ng labis na katapatan sa isang estado na may tendensiyang maliitin ang isa pang nasyon, kaya't maaaring maging obstakulo o balakid sa pandaigdigang kapayapaan at kooperasyon o pagkakaisa.[4]

  1. Gaboy, Luciano L. Nationalism, pagkamakabansa, nasyonalismo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Gellner, Ernest. 1983. Nations of nationalism. Ithaca: Cornell University Press.
  3. Hechter, Michael. 2001. Containing Nationalism. ISBN 0-19-924750-X .
  4. "Nationalism". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 434.

Developed by StudentB