Ang pamumuno (Ingles: leadership) ay ang proseso ng impluwensiyang panlipunan kung saan ang isang tao ay nakakapangalap o nakakahingi ng tugon, tulong, at pagtangkilik ng ibang tao para sa pagsasagawa ng isang pangkaraniwang gawain.[1] Ang taong namumuno o nangunguna ay tinatawag na isang pinuno o lider, isang tao na itinuturing din bilang kinatawan ng isang pangkat ng mga tao.