Ang Panahon ng Tanso, Panahong Kalkolitiko (mula sa Griyegong khalkos + lithos o "batong tanso"), kilala rin bilang Panahong Eneolitiko (Panahon ng bronse o tansong pula) o Panahon ng Kobre, ay isang yugto sa pag-unlad ng kalinangan ng tao, kung saan lumitaw ang paggamit ng sinaunang mga kasangkapang metal habang kasabayan ng mga kasangkapang gawa sa bato.