Pananaliksik

Ang pananaliksik o imbestigasyon ay ang "sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa."[1] Malikhain at sistematikong gawain ang pananaliksik, na ginagawa upang lumawak ang kaalaman."[2] Saklaw nito ang pangongolekta, pag-oorganisa, at pagsusuri sa mga impormasyon para mapalawak pa nang husto ang kaalaman tungkol sa isang paksa o isyu. Maaaring maging isang pagpapalawak sa kaalaman ang layunin ng isang pananaliksik. Madalas itong isinasagawa sa mga paaralan at pamantasan, gayundin sa pribadong sektor (bilang bahagi ng kanilang research & development). Layunin ng mga mananaliksik na tukuyin kung de-kalidad ba ang isang instrumento, mainam ba ang isang pamamaraan, tama ba ang eksperimento, o di kaya'y totoo ba ang isang panukala at teorya.

  1. "saliksik". Diksiyonaryo.ph. Nakuha noong Disyembre 21, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. OECD (2015). Frascati Manual. The Measurement of Scientific, Technological and Innovation Activities (sa wikang Ingles). doi:10.1787/9789264239012-en. ISBN 978-9264238800.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Developed by StudentB