Motto | Citius, Altius, Fortius – Communiter |
---|---|
Pagkakabuo | 23 Hunyo 1894 |
Uri | Pederasyong pampalakasan |
Punong tanggapan | Lausanne, Suwisa |
Kasapihip | Mga 205 Pambansang Lupong Olimpiko |
Wikang opisyal | Ingles, Pranses |
Pangulo | Thomas Bach |
Website | olympics.com/IOC |
Ang Pandaigdigang Lupong Olimpiko (Pranses: Comité international olympique; Ingles: International Olympic Committee) ay isang organisasyon sa Lausanne, Suwisa, na nilikha ni Pierre de Coubertin at Demetrios Vikelas noong 23 Hunyo 1894. Ang IOC ay may mga kasaping 205 Pambansang Lupong Olimpiko (National Olympic Committees).
Binubuo ng IOC ang makabagong Palarong Olimpiko na ginaganap tuwing Tag-init at Taglamig, kada apat na taon. Nabuo ng organisasyon ang unang Olimpikong Tag-init sa Atenas, Gresya noong 1896; naganap ang unang Olimpikong Taglamig sa Chamonix, Pransiya noong 1924.