Pangilin

Ang pangingilin o abstinensiya (Ingles: abstinence, abstention) ay isang kinukusa o sinasadyang pagpigil ng sarili mula sa pagpapakasawa, pagpapasasa, pagmamalabis, pagpapalayaw, pagbibigay, pagsunod sa kagustuhan, o pag-iirog sa mga gawaing pangkatawan na malawakang nararanasan bilang nakapagdudulot ng kasiyahan o kaaliwan. Sa pinaka madalas, ang kataga ay tumutukoy sa pangingiling pampagtatalik o abstinensiyang seksuwal, o abstensiyon mula sa alak o pagkain. Ang gawain ay maaaring lumitaw mula sa mga pagbabawal o prohibisyong panrelihiyon o konsiderasyon, pagsasaalang-alang, o pamimitagang praktikal. Ang pangingilin ay maaari ring tumukoy sa mga droga o pinagbabawal na gamot, o maaaring ibang uri ng mga gamot. Halimbawa na ang pangingilin mula sa paninigarilyo. Sari-sari ang mga uri ng pangingilin. Pangkaraniwan itong tumutukoy sa isang pansamantala o bahaging pangingilin mula sa pagkain, katulad ng pag-aayuno. Sa programang may labindalawang hakbang ng Overeaters Anonymous ("Mga Hindi Nagpapakilalang Labis Kung Kumain"), ang abstinensiya ay isang kataga para sa pagpigil mula sa pagkaing kompulsibo o mapilit (mapuwersa; as diwang "basta ginusto"), na katulad ang kahulugan sa pagtitimpi sa pag-inom ng alak o nakalalasing na mga inumin. Dahil sa ang rehimen o "pamumuhay" na ito ay nilalayon na maging isang galaw na may kamalayan, malayang pinili upang mapainam ang buhay, ang abstinensiya ay paminsan-minsang ipinagkakaiba mula sa mekanismong pangsikolohiya ng represyon (pagsupil, pagsugpo, paglupig, pagdaig, o pagpigil). Ang represyon ay isang kalagayang walang kamalayan na may kinahihinatnang hindi mabuti para sa kalusugan. Tinawag ni Sigmund Freud ang pagpapaagos o pagpapadaloy ng mga enerhiyang seksuwal papunta sa ibang mga gawaing mas katanggap-tanggap na pangkultura o panlipunan bilang "sublimasyon" (malapit sa diwa ng "pagpapangibabaw").


SikolohiyaSeksuwalidadSosyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Sikolohiya, Seksuwalidad at Sosyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.


Developed by StudentB