Philippine Airlines

Philippine Airlines
IATA
PR
ICAO
PAL
Callsign
PHILIPPINE
Itinatag
  • Pebrero 1935 bilang Philippine Aerial Taxi Company
  • 15 Marso 1941 bilang Philippine Airlines
Mga pusod
Programang frequent flyerMabuhay Miles
Silid-pahingaang pangkasapiMabuhay Lounge
Mga sukursalPAL Express
Laki ng plota67
Mga destinasyon56
Sawikain ng kompanya
  • Mabuhay!
  • The Heart of the Filipino
Pinagmulan ng kompanyaPAL Holdings, Inc.
HimpilanPilipinas Lungsod ng Pasay, Pilipinas
Mga mahahalagang tao
Websaythttps://www.philippineairlines.com

Ang Philippine Airlines (PAL), isang tatak ng PAL Holdings, Inc. (PSEPAL), na kilala rin sa kasaysayan (hanggang 1970) bilang Philippine Air Lines, ay ang pambansang kompanyang panghimpapawid (airline) ng Pilipinas. Itinatag ang kompanyang panghimpapawid noong 1941 bilang una at pinakamatandang kompanyang panghimpapawid sa Asya na kilala pa rin sa ilalim ng orihinal na pangalan nito. Sa kasalukuyan, nakahimpil ang PAL sa PNB Financial Center, ang himpilan ng Bangko Nasyonal ng Pilipinas (PNB), sa Lungsod ng Pasay sa Kalakhang Maynila.

Mula sa mga pusod nito sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino sa Maynila, ang Paliparang Pandaigdig ng Clark sa Angeles, at ang Paliparang Pandaigdig ng Mactan-Cebu sa Lungsod ng Cebu, naglilingkod ng Philippine Airlines sa 31 destinasyon sa Pilipinas at 41 na destinasyon sa iba't-ibang bansa sa Timog-silangang Asya, Silangang Asya, Gitnang Silangan, Oseanya, Hilagang Amerika at Europa.


Developed by StudentB