Politika

Ang politika (mula sa Griegong πολιτικός politikos, nangangahulugang “mula, para, o may kinalaman sa mga mamamayan”) ay ang proseso o pamamaraan ng paggawa ng pasiya sa antas pandaigdigan, sibiko, o indibiduwal. Bagaman kadalasang iniuugnay ang politika sa pamahalaan, maaari ding pagmasdan ito sa lahat ng pakikipag-ugnayan ng mga pangkat pantao kabilang ang pangkalakal, akademiko, at relihiyoso. Agham politika ang tawag sa pag-aaral sa mga gawaing politika at pag-usisa sa pagkuha at paglapat ng kapangyarihan, katulad ng kakayahang magpataw ng sariling kalooban sa iba. Sa isang limitadong pagpapakahulugan, ito ay tumutukoy sa pagkamit at pagsasanay ng mga posisyon sa pamamahala—organisadong kontrol sa isang pamayanan ng tao, partikular sa isang estado. Higit pa rito, ang politika ay ang pag-aaral o pagsasanay ng pagpapamahagi ng kapangyarihan at kayamanan sa loob ng isang pamayanan (isang organisadong populasyong may antas) pati na rin ang ugnayan sa pagitan ng mga mamamayan. Maraming paraan naisasabuhay ang pagsasapolitika, kasama na ang pagpapalaganap ng mga pampolitikang pananaw sa mga tao o samahan, pakikipag-usapan sa iba pang kasapi ng politika, paggawa ng mga batas, at paggamit ng dahas laban sa mga katunggali. Naisasabuhay ang politika sa malawak na saklaw ng mga nibel ng lipunan, mula sa mga angkan at tribo ng mga tradisyonal na pamayanan, sa mga modernong lokal na pamahalaan, mga kompanya at institusyon hanggang sa mga soberanong estado, hanggang sa pandaigdigang nibel.

Ang isang sistemang politika ay isa sa balangkas na nagpapakahulugan sa mga katanggap-tanggap na pamamaraang pampolitika sa isang pamayanan at katungkulan. Ang kasaysayan ng kaisipang pampolitika ay maiuugat noong unang panahon pa, mula sa mga natatanging akda gaya ng Ang Republika ni Platon, Politika ni Aristoteles, at mga akda ni Confucius


Developed by StudentB