PilipinasAng Pilipinas na may opisyal na taguring Republika ng Pilipinas ay isang bansa sa timog-silangang Asya at ang Maynila ang tumatayong kabisera nito. Binubuo ito ng mga pulo' na may kabuuang bilang na 7,107 na matatagpuan sa kanlurang Karagatang Pasipiko.
Napiling artikuloAng Lungsod ng Maynila (Opisyal: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang kabiserang lungsod ng Pilipinas na isa sa 17 lungsod at munisipalidad na bumubuo ng kalakhang Maynila. Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng look ng Maynila na nasa kanlurang bahagi ng pambansang punong rehiyon na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Luzon, isa ito sa mga sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirahan ng humigit sa 19 na milyong katao. Napiling larawanAng Bundok Banahaw ay isang dating bulkan sa Pilipinas na matagpuan sa hangganan ng mga lalawigan ng Laguna at Quezon sa Luzon. Ito ay isang tinatawag na "extinct volcano". Kapag dumaan ka sa national road ito ay malinaw na nakikita. Dahil ito ay dating bulkan, maraming hot springs na matatagpuan dito at maraming tao rin ang umaakyat sa tuktok nito dahil may "milagro" raw yung tubig na nakapagpapagaling ng maysakit. Kuha ni: Estudyante
Mga PaksaIba pang mga Pilipinong Wikipedia |