Ang Protestantismo ay nagbuhat sa isang kilusang Kristiyanong naglunsad ng Repormasyong Protestante noong ika-16 daantaon na nagsanhi ng pagkalas ng mga pangkat na Protestante mula sa Simbahang Katoliko. Tumutol o sumalungat mula sa Katolisismong Romano ang panuntunang Protestante at kilala rin sa mga tradisyong Europeo bilang doktrinang Ebangheliko (o Ebanghelismo). Pangkaraniwang pinanghahawakan nito na ang Kasulatan, sa halip na nakaugalian o eklesyastikong pagpapaliwanag ng Kasulatan, ang pinagmulan ng ibinunyag na katotohanan.[1]